• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion speaks up about being linked to NBA player Chandler Parsons

KC Concepcion speaks up about being linked to NBA player Chandler Parsons

KC Concepcion denies any romantic involvement with NBA player Chandler Parsons.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/22/2013 7:46 AM
KC Concepcion speaks up about being linked to NBA player Chandler Parsons


102213-Kc_Main.jpgSa programang Kris TV na inere noong October 22, nagsalita na nga si KC Concepcion tungkol sa pakakalink sa kanya sa Houston Rockets Power Forward na si Chandler Parsons. Kamakailan nga ay ginanap ang pre-season global game ng NBA sa Pilipinas kung saan naglaro ang Indiana Pacers at Houston Rockets (ang basketball team kung saan kabilang si Parsons).

Nang buksan ni Kris Aquino ang paksa tungkol dito, pilit pang iniiwasan ng aktres na pag-usapan ito ngunit nagsalita na rin si KC tungkol dito. Noong una’y ang mga kumpirmasyon ay galing lamang sa Twitter at Instagram account ng dalaga kung saan nag-post ito ng litrato kasama ang basketbolitsa at ng ilan sa kanilang mga kasama noong lumabas sila. Aniya, “May welcoming dinner lang kami. Dito kami sa The Fort, we were 15. Ayaw ko na pag-usapan.” At nang tinanong ni Kris kung bakit ayaw na niya itong pag-usapan, “E kasi umalis na sila.”

Kinumpirma din ni KC na kasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Garrie at Cloie nang lumabas sila kasama ang basketbolista at ilang mga ka-teammates nito. “Yes I was with my sisters, I was with his other teammates and then I was with my friends. Ang dami namin, we made them taste Pinoy food.” Ibinahagi din niya ang detalye kina Kris at Judy Ann Santos, na panauhin din sa episode ng Kris TV kung saan sila pumuntang restaurant sa The Fort. “Aracama pero actually malapit na lang siya sa Prive at Imperial, so para, strict kasi yung security nila so nandun lang kami sa isang area.” Ngunit kwento ni KC, “Wala silang masyadong nakita.” Na nakakuha pa ng tukso mula kay Judy Ann, “Malamang babalik siya kasi wala silang nakita.”

Ayon kay KC noong pinakain niya ng ilang pagkaing Pinoy sina Chandler at ang mga kasama nito, “Well actually kinailangan kong iexplain kung ano ang sisig kasi meron silang sisig lumpia tapos kung ano yung parang fishballs ganun.

Ngunit ang paglilinaw ni KC tungkol sa namamagitan sa kanila ni Chandler, “Friends kami, yun lang.”

Napag-usapan din ang panonood niya sa Mall of Asia ng laban ng Rockets at Pacers, “Oo nanood ako, binigyan niya ako ng ticket sa game. Nanood ako, it was my first time, wala talaga kong alam sa basketball… It was my first time to see a live game, and then it was just nice kasi nga a lot of people saw that we were tweeting kaya siguro nilagyan ng anggulo, ng romance na anggulo kasi they have been seeing us tweet.” Kaya naman tinuldukan na ni KC ang isyu. Aniya, “We are friends. I had a good time. We had a good time.”