• Home
  • Fresh Scoops
  • Oyo Boy Sotto's rule for Kristine Hermosa's showbiz comeback: “No to kissing scenes”

Oyo Boy Sotto's rule for Kristine Hermosa's showbiz comeback: “No to kissing scenes”

Oyo Boy Sotto says that Kristine has been offered to do soaps but his wife prefers to deviate from drama and would prefer to do either an action or comedy project.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/19/2013 12:55 AM
Oyo Boy Sotto's rule for Kristine Hermosa's showbiz comeback: “No to kissing scenes”


101913-oyo_main.jpgSa nakaraang PMPC Star Awards for Music ay naroon si Oyo Boy Sotto para tanggapin ang pagkilala sa amang si Vic Sotto bilang isa sa mga Icons Of Original Pilipino Music. At dito din nakakwentuhan ni Oyo ang ilang press kasama ang push.com.ph tungkol sa kanila ng asawang si Kristine Hermosa. Aminado si Oyo na plano na nilang sundan ang kanilang bunso na si Ondrea na magdadalwang taon ngayong Disyembre. Aniya, “Oo, actually nung nag one si Ondrea sinusubukan na ulit namin sundan kaya lang hindi pa binibigay ni Lord e.” Ibinahagi din ni Oyo Boy kung ilan ang plano nilang maging anak ng asawa, “Gusto sana namin anim e. Pero siguro apat, minimum okay na.”

Nilinaw din ni Oyo Boy ang mga kumakalat na mga balitang magkakaroon ng reunion project ang dating mag-love team na sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa at pinabulaanan ito. Aniya, “Actually marami nang offers sa kanila ng management nila na gumawa ng soap ulit but the problem is hindi ata tumutugma sa gusto ni Tin din so siya naman ok lang naman sa kanya, she really missed working and gusto niya gumawa ng soap kaya lang ayaw niya ng drama. Gusto niya daw action, comedy.”

Paglilinaw pa ni Oyo, wala namang problema sa kanya kung sakaling nais muli ng asawa na magbalik sa trabaho pero mismong si Kristine na rin ang nagdesisyon na paglaanan muna ng atensyon ang mga anak habang maliliit pa. “Oo naman, matagal na namin pinag-uusapan yun e. So sabi ko naman kay Tin, alam mo naman yung mga limitations mo so kung gutso mo gumawa ng soap ako naman pinapayagan ko naman siya e yun lang nagdecide din siya na itong mga, yun nga, simula nung pinangank si Ondrea at ngayong 3 or 4 at least man lang maibuhos namin yung mga time namin sa mga bata kasi saglit lang e. Ang bilis nilang lumaki, the next thing you know wala na, naglalakad na sila, pumapasok na sa school.” 

Dagdag pa ni Oyo Boy, “Ako sa totoo, I feel for Kristine. Alam ko na namimiss niya nang magtrabaho pero yun lang nga yung mga projects na ino-offer sa kanya hindi sumaswak sa schedule, kasi kapag nag-soap ka expect mo na araw-araw yan e. Saka yung uwi mo laging umaga so sana maayos lang yung schedule at mabigyan siya ng gusto niyang role.”

Wala pa mang konkretong proyekto si Kristine sa ngayon, kung sakali mang ituloy ni Kristine ang pagbabalik-showbiz, isa lang ang bilin ni Oyo Boy sa asawa, “Siyempre kung ako ayaw ko ng may kissing scene. Dapat ako lang.”