• Home
  • Fresh Scoops
  • Mitoy Yonting admits issues of insecurities among 'The Voice' contestants

Mitoy Yonting admits issues of insecurities among 'The Voice' contestants

Mitoy Yonting admits he has heard rumors that some former 'The Voice of The Philippines' contestants are reportedly jealous of his success.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/18/2013 7:27 AM
Mitoy Yonting admits issues of insecurities among 'The Voice' contestants


101813-Mitoy1_Main.jpgDumalo ang kauna-unahang The Voice of the Philippines winner sa nakaraang PMPC Star Awards for Music at dito kinamusta siya ng Push.com.ph sa mga naging pagbabago sa kanyang buhay. “Busy-busyhan tapos maraming mga pagkakataon na tinatanong ko ang sarili ko kung totoo bang nangyayari ito.”

Kinumpirma din ni Mitoy na sa buwang ito ang labas ng kanyang solo album. “Sa ngayon na paparating na yung mga proyekto na pinaplano nila sa akin. Natapos na yung album, yung compilation ng lahat ng kinanta ko sa The Voice. Tapos na, ire-release na siguro mga this month hopefully.”

Hindi ikinakaila ni Mitoy na biktima din siya ng mga bashers at alam niya ang damdamin ng mga ilan na hindi sang-ayon sa kanyang pagkakapanalo. Nang maitanong ng Push ang kanyang damdamin tungkol dito, aniya, “Sa simula pa lang naman alam ko na yun. Sabi ko nga opinyon nila yun, nirerespeto ko yun pero minsan-minsan may kumakalabit na ako pero nananaig pa rin ang… Sabi ko nga, yun ang gusto nila wala akong magagawa sa gusto nila.

Lumabas din sa mga balita kamakailan ang isyu ng inggitan sa pagitan ng mga contestants mismo ng The Voice of the Philippines at kay Mitoy. Aminado si Mitoy na nakakarating din sa kanya ang ganitong mga isyu. Aniya, “Yung mga inggitan siguro hindi ako kasama dun, wala namang mga pangalan. Meron akong naririnig pero yung mga inggitan wala naman sa Top 4. Parang wala dun.”

At sa tanong na kung sa ibang contestants din ba galing ito, “Oo parang ganun.” Ngunit ang kanyang paglilinaw, alam niyang hindi mismo galing sa mga contestants ang isyu ng inggitan. “Kasi hindi naman yung mga mismong tao yung nag-aano e, yung mga nakapaligid. Hindi mismo yung galing sa contest.” 

Ibinahagi ni Mitoy ang saloobin niya tungkol dito. “Kapag nag-uusap kami at napag-uusapan yung ganun e may mga taong ganun siguro na fan ni April Boy na ‘Di Ko Kayang Tanggapin’. Pero dapat tapos na yun kasi contest yun. Sinabi ko yun mismo na ang The Voice ginawa para hindi magkaroon ng sigalot at away-away ang mga tao. Dapat nga kaibigan mo yung lahat ng tao e.”