Richard Yap opens a new business

Richard Yap says that there is no conflict between him having his own Chinese Restaurant and endorsing a Chinese fast food chain.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/16/2013 9:58 AM
Richard Yap opens a new business


101613-Richard_Main.jpgHindi na rin bago kay Richard Yap ang pagkakaroon ng restaurant business. Sa formal opening ng kanyang bagong restaurant venture, sinabi nitong matagal na rin siyang may ibang mga negosyo na tulad nito. “Actually I have been in the restaurant business before. I don’t really mention it, but I do have investments in the restaurant business. Even before show business mga five to six years ago na. It’s still there, but I also have partners in those businesses. This was another opportunity presented to me and I really like the food at Wang Fu so we decided on joining together and putting it up.”

Ang kanyang on-screen partner na si Jodi Sta. Maria, tulad niya, ay may restaurant business din. At inamin ni Richard na napag-uusapan nila ang kani-kanilang mga negosyo at sa katunayan ay may plano din silang magsama at magsosyo sa isang negosyo. “Yeah, she was supposed to be here but something came up so she wasn’t able to make it tonight and we do talk about business and we have even talked about doing something together pero hindi pa naman nagma-materialize. She is a very business-minded person.” 

Aminado din si Richard na palaguin pa ang kanyang restaurant business, “Well we have been talking about doing other restaurants also, but it is still all in the planning stage.” Dagdag pa nito, sa ngayon ay ang atensyon niya sa pagpapalago ng negosyo ay nakatuon sa food and beverages. “More on the food business siguro, food and drinks. For the meantime yun na muna.

Kilala si Richard Yap na endorser ng isang sikat na Chinese fastfood chain kung saan siya nakilala. Kaya naman ngayong may Chinese restaurant siya, nilinaw niya na wala naman itong conflict o anumang problema sa kanyang ineendorso. “That is what you call a fast food or quick service restaurant this is a real restaurant so it is not the same. And this is an investment, this is not an endorsement so it is not the same thing.”

Maliban sa bago niyang restaurant, ang isa ding bagong pinasok ni Richard ay ang recording scene. Ayon kay Darwin Chiang, Head ng Star Events, kinumpirma niyang umabot na sa Gold Record Award ang first solo album ni Richard Yap na kinumpirma din mismo ng actor. “Actually, i-announce na ng Star Records that we have actually reached Gold a few days ago and we are very happy by that.” Sa katunayan, si Richard din ang may hawak ng record na pinakamaraming album sales sa isang album launch ng Star Records na nakabenta ng 1,000 units in one day at napaunlakang mapirmahan niya lahat ng CDs.

Kabilang din ang kanyang kanta sa album na “Don’t Know What To Do, Don’t Know What To Say” sa official soundtrack ng pinakabagong pelikula nina Bea Alonzo, Dingdong Dantes at Enrique Gil na She’s The One. “Of course it is such an honor even before the album came out they already chose the music for that so we are very thankful.” Dagdag pa ng aktor sa kanyang newfound singing career, nae-enjoy niya ang kanyang pagiging recording artist at, “like I said in my interview it is my first love actually.” 

Natanong ng Push si Richard kung meron pa ba siyang nais pang gawin. “I am open to all possibilities, and whatever is possible that can be brought to our horizon. We can try anything as long as it fits us.”