• Home
  • Fresh Scoops
  • 'Buzz ng Bayan' set to be the new 'face' of weekend showbiz talk shows

'Buzz ng Bayan' set to be the new 'face' of weekend showbiz talk shows

'Buzz ng Bayan' is the new showbiz talk show to be hosted by Carmina Villaroel, Janice de Belen, and Boy Abunda.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/15/2013 8:02 AM
'Buzz ng Bayan' set to be the new 'face' of weekend showbiz talk shows


101513-TheBuzz_Main.jpgSa October 20 ay mapapanood na ang inaabangang bagong mukha ng showbiz talk show tuwing Linggo, ang Buzz ng Bayan. Ayon sa panayam ng Push.com.ph sa batikang host na si Boy Abunda, sa pagkawala ng The Buzz na kinalakihan ng karamihan, hindi niya ito nakikitang isang pamamaalam. Aniya, “Hindi ko naman ito tinitignan na pagtatapos. Bawat pagtatapos kung ganun man ang pagtanaw ay umpisa ng isang bagay na maganda, exciting at kapana-panabik di ba? I don’t look at this as an ending, I look at this as an end of a cycle as an end of a phase and a beginning of something else that is truly exciting.”

Nagsalita rin si Boy tungkol sa kanyang mga bagong makakasama sa bagong programa na sina Janice de belen at Carmina Villaroel, “I am very excited, I am very, very excited. Nung ginagawa pa lang po namin yung pitch episode doon ko nakita yung possibilities, ang daming possibilities na pwede naming pagsamahan at pagsikapan na i-achieve.” Dagdag pa niya, “It had the kind of energy that was fresh, so naroon ako. I am looking at this as an opportunity to start all over again. Pero maganda yung pakiramdam, ayaw ko isipin na may bago akong konsepto. I want to look at this as having all the possibilities. Kumbaga baon-baon ko dito lahat ng natutunan ko, lahat ng mali na pinagdaanan ko, lahat ng mga panahon na natapilok ako, lahat ng mga magagandang bagay na akong natututunan. Wala na akong masyadong takot and to me that is important and I am going to bring that along when I work with Mina and Janice.”

Aminado naman si Janice na nakakaramdam siya ng pressure sa pinakabago niyang programa “I will be lying if I said hindi. Pressured ako kasi first kasama ko si Tito Boy. Pangalawa, you are only as good as your last job kaya kaya kailangan galingan mo kasi meron nang ine-expect from you. So you have to be better to what they saw in you before.” Inilarawan din ni Janice ang kanyang nararamdaman sa pinakabago niyang susuunging hamon. “Excited and nervous, iniinterview ako ni Tito Boy so in a way nakakatrabaho mo na rin siya kasi iniinterview ka niya. Ito kasi parang magbabatuhan kayo ng opinyon kasi Tito Boy yun e di ba? Ayaw mong magkamali.

Ang opinyon naman ni Boy sa nararamdamang pressure ni Janice, “That is a good pressure, that is a good trigger point.” Ayon pa sa King of Talk, “We are coming into this material with a smile pero nandun pa rin yung jitters, ako kadalasan nagdadasal pa rin ako for jitters kasi maganda yung iniingatan mo pa rin yung bawat hakbang pero hindi masyado. Sometimes there is fun in tripping a bit, just make sure that you don’t fall too hard so you can rise everytime you want di ba? Pero yun mas may sayaw, this is going to be a lot of fun.”

Dalawang taong ginawa ni Janice ang Showbiz Inside Report na isa din sa mga naging matagumpay na talk show ng ABS-CBN. Kaya naman sinisiguro niyang iba ang mapapanood sa kanya sa pinakabagong programang ito ng kapamilya network na magiging tunay na kaabang-abang. “Ang kaabang-abang is the team-up because this is the first at makikita kung kaya ba naman sumabay. Yung show because I believe it is braver, mas maririnig mo kung ano ang nasa utak ng tao, ano nga ba yung mga nasa isip niya na mga nagaganap sa showbiz.”

Baon-baon naman ng King of Talk ang lahat ng kanyang mga natutunan sa madaming taon ng karanasan. “Baon po namin ang lahat ng aming natutunan. Baon po namin lahat ng pagkakaibigang naggawa namin sa lahat ng mga kasamahan namin sa industriya kung saan kami huhugot ng kwento. Baon po namin ang kanilang tiwala, pagmamahal. Baon po namin ang aming mga kwento bilang hosts. Yan po ang pakakaabangan, hindi lang po kami dun hihinto. Depende kung saan ang pag-uusapan, depende kung saan kami dadalhin ng pagkakaton. Makakaasa po kayo na buong puso po namin pupuntahan yun dahil ang aming tinatalakay nagyon ay hindi lamang kwento ng artista. Dahil dito sa palabas na ito dito sa Buzz ng Bayan, ang kwento po ng artista ay kwento po ninyo.”