Megan Young spreads good will during the weekend

Mainit na pasasalamat ang ipinaabot ni Megan sa lahat ng sumusuporta sa kanya. “Being able to share this with everybody has filled me with happiness and pride and I will take this away with me. I will

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/15/2013 7:55 AM
Megan Young spreads good will during the weekend


101513-Megan2_Main.jpgSa ulat ni Gretchen Fullido para sa Star Patrol, sunod-sunod ang dinaluhang event ni Miss World 2013 Megan Young noong weekend. Kabilang na dito ang engrandeng homecoming sa Olongapo at ang pagpaparangal sa kanya ng SBMA o Subic Bay Metropolitan Authority. Nagpakain din si Megan sa mga batang kapos-palad at dumalaw sa mga tinamaan ng sakit na Leptospirosis.

Hindi man nakasama ang kanyang ;ola sa parada may mensahe naman ito para kay Megan. “Kahit sinong tao pakiharapan niya ng husto. Huwag siya magmalaki.”

Noong Linggo naman, guest si Megan sa The Buzz at pinasaya ang daan-daang bata sa isang foundation. “It’s amazing that I can be that instrument and that I can be that inspiration to show people na hey we’re doing something for them, not only for them but also for the children, na you know they can achieve their dreams.”

Noong Lunes ng umaga, pinagkaguluhan diumano si Megan sa Philippine General Hospital. Nag-courtesy call din siya sa Malacanang at sa Senado kung saan may ipinasang resolusyon para i-congratulate si Megan. Pati sa Kongreso ay binigyan si Megan ng special recognition.

Ipinarating ni Megan ang nararamdaman sa pagbisita at pagbigay ng parangal sa kanya sa mga naturang lugar. “Visiting Senate, Congress and President Benigno Aquino III today has been a wonderful experience, something I never expected to happen. I feel privileged to have been invited here. It is the greatest honor any Filipino could receive.”

Bukod dito excited din si Megan sa pag-travel. “I love travelling and I’m really excited because we’re visiting Kenya and Ghana next year and I’ve always wanted to go and visit Africa, and for us to be able to reach out there is such a big thing for me and I’m very very excited for that.”

Lunes ng gabi naman, nag-courtesy call si Megan sa ABS-CBN kung saan mainit siyang sinalubong ng mga opisyal ng Kapamilya Network.

Mainit na pasasalamat ang ipinaabot ni Megan sa lahat ng sumusuporta sa kanya. “Being able to share this with everybody has filled me with happiness and pride and I will take this away with me. I will never forget this feeling and I want to thank everyone for their support.” Nangangako rin daw siyang magbibigay ng pag-asa sa buong mundo.