• Home
  • Fresh Scoops
  • Mitoy's advice to "Voice PH 2" aspirants: 'Basta naniniwala ka sa sarili mo, malaking puhunan yun'

Mitoy's advice to "Voice PH 2" aspirants: 'Basta naniniwala ka sa sarili mo, malaking puhunan yun'

Mitoy is happy that his success will also give blessings to the members of his band Draybers.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/10/2013 5:00 PM
Mitoy's advice to


101013-mitoy_Main.jpgSa "Ikaw Na" segment sa "Bandila" kagabi, si Mitoy Yonting, ang kauna-unahang "The Voice of the Philippines" winner ang naging panauhin. Kamakailan nanalo rin siya sa Aliw Awards bilang Best Male Performer at ang kanyang bandang Draybers ay nanalo naman bilang Best Group Performer.

Binalikan ni Mitoy ang blind auditions sa "The Voice" at sinabi niya na sa simula pa lang si Coach Lea Salonga na ang gusto niya kasi sa tingin niya may maituturo pa ito sa kanya dahil hindi lang siya basta singer. May background din ang kanyang Coach sa teatro. “Broadway siya e, iba ang stage na ginagalawan niya kaysa sa nakasanayan ko.”

Ayon pa kay Mitoy tungkol sa kanyang Coach. “Simple lang siya bilang coach. At first, hindi mo aasahan na ganun lang ang pagkatao niya, sinasabi niya sa akin just be yourself, gawin mo ang lagi mong ginagawa, yung puso ang susundin mo.”

At in terms of technique naman, hindi naman daw sa nagbubuhat si Mitoy ng sarili bangko pero, “lagi sinasabi niya na ‘technically wala na ako maituturo sa iyo, Mitoy. Gawin mo lang yung laging ginagawa mo.’”

Para kay Mitoy, best performance niya sa The Voice ang pagkanta niya ng “Don’t Stop Me Now” kasi “talagang nag-angatan ang mga tao.” Greatest fear naman niya, “noon ‘pag walang gig… Kasi ang buhay ng banda parang roller coaster, ‘pag walang gig nakakalungkot dahil hindi mo alam kung kakain ka bukas.”

Pinakamasaya naman si Mitoy nang nagkaroon na siya at ang kanyang banda ng loyal followers na talagang sinusundan sila kung saan sila may gig. Pangarap niya rin para sa kanyang bandang Draybers, “yung lahat kami umasenso, na mabigyan [naming] ng magandang kinabukasan ang pamilya.

Pinakamahalagang payo naman ni Mitoy sa mga gustong sumali sa susunod na season ng The Voice of the Philippines na bukod sa pagkakaroon ng boses, “basta naniniwala ka sa sarili mo, malaking puhunan na iyon” 

Kinanta ni Mitoy ang linyang “Don’t Stop Believing” galing sa kantang  “Don’t Stop My Journey” as the best song that describes his journey.