• Home
  • Fresh Scoops
  • Jericho Rosales talks about his plans for his wedding with Kim Jones

Jericho Rosales talks about his plans for his wedding with Kim Jones

Jericho Rosales wants a beach wedding in the summer and for everybody to witness this important event in his life.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

10/10/2013 10:02 AM
Jericho Rosales talks about his plans for his wedding with Kim Jones


101013-Echo_Main.jpgSa muling pagtatambal nina Jericho Rosales at Carmen Soo sa pelikulang Alagwa, masaya si Echo na nakatrabaho niya muli ang aktres. “It feels great. It feels great and our fans our happy.” At buhos din ang puri ng aktor sa Malaysian actress. “Did you know that Carmen Soo spoke three languages here: English, Tagalog, and Mandarin or Cantonese parang ganun. And ang galing niya, sobrang sipag niya na artista na hindi siya nagrereklamo na, ‘Uy gagawin ko ba ito?’ She takes it as a challenge and she does it.”

Napabalitang dating nagkaroon ng ugnayan si Jericho at si Carmen noong panahong ginagawa nila ang teleseryeng Kahit Isang Saglit. Nang matanong siya kung nagselos ba ang fiancée ng aktor na si Kim Jones, aniya, “Ay hindi, hindi. Si Kim hindi selosa.” Sa katunayan ay binati pa daw ni Carmen si Kim sa engagement nito. “Actually she congratulated me, she messaged and said, ‘Congratulations Echo, you are getting married.’ She is happy for me because we are friends.”

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tao na marami na rin ang naiugnay na mga babae kay Echo, loob at labas man ng showbiz. Ngayong engaged na siya at plano nang magpakasal, kinumpirma niyang buo na ang loob niya at wala na itong atrasan, “Oo, buong-buo na. Bago ako tumalon sa desisyon na yun buong-buo na ako, game na ako."

At ibinahagi ni Jericho ang rason kung bakit para sa kanya si Kim na talaga ang kanyang gustong makasama habambuhay. “Siguro isa na rin yun sa dami ng babaeng nagdaan. Sa dami ko nang.. napractice ko na. Huwag na natin pag-usapan yung exes. Siya yung taong na talagang nararamdaman ko na kapag up ako, nandiyan siya. Kapag down ako, nandiyan siya. Kapag nasa gitna ako o nasa alanganin ako, nandiyan siya. She is solid. She is a solid person, it is not all about me. Ako lang ang nasa harap ng camera pero in fact in real life she is the star, she is a wonderful person. Very talented, sa lahat ng gusto niyang gawin.

At nang matanong kung paano niya mailalarawan si Kim, “She is just unique and fun loving, not many people know na talagang may pagka-kolokoy din si Kim. Ang pinakagusto ko talaga sa kanya which is endearing for me is malapit siya sa tao. Yung tipong ang unang punta niya dito ang nawitness niya yung mga batang kumakain ng pagpag so sumasama siya sa ganung mga advocacy and then sa mga tao lagi siyang nakasmile. And for me nababansagang parang pulitiko, bati ng bati sa mga tao. She is very patient.”

Kaya naman ng matanong sa mga detalye sa magaganap na kasal, ang ilang impormasyon ibinahagi ni Echo ay, “So far ang pwede lang namin iannounce ngayon beach wedding.” At sa kung kailan ito, “Basta gusto ko sana bago bumuhos ang ulan.” Wala din daw planong itago ni Echo sa publiko ang magaganap na kasalan. “Kung ako ang tatanungin mo, kung ako ay isang hari gusto ko lahat ng nasa kaharian ko ma-witness ng kasalan namin dahil wala dapat itago dun. But we’ll see, tinitignan namin lahat ng mga possibilities.”

Ngunit pagdating sa pagpapamilya ay wala pang plano sina Echo at Kim na magka-anak sa ngayon. “Wala pang planong anak. Hindi muna kami mag-aanak.”

Naitanong din si Echo sa naging reaksiyon ng dati niyang karelasyon na si Heart Evangelista ng minsang magsama sina Heart at si Kim. Ipinadala ni Heart ang pagbati nito ng congratulations sa aktor, kaya naman nagpapasalamat si Echo dito. “Thank you very much, Heart. That is very nice of her para sabihing congrats. I don’t have a way of saying hi but thank you for that greeting.”