Mariel Rodriguez says she's not jealous of Kris Aquino

The host says there's trust between her and Kris.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/9/2013 9:59 AM
Mariel Rodriguez says she's not jealous of Kris Aquino


010913-mariel_main.jpgItinanggi ni Mariel Rodriguez ang isyung nagseselos siya kay Queen of All Media Kris Aquino, dating girlfriend at ngayon ay leading lady ng kanyang mister na si Robin Padilla sa teleseryeng Kailangan Ko'y Ikaw.

Sa guesting ni Mariel sa KrisTV kamakailan, sinabi nitong wala siyang nakikitang dahilan para pagselosan si Kris na inilarawan pa niya bilang napaka-sweet na babae nang hindi nito papasukin si Robin sa kanyang van para sa kanya. 

"Actually Ate Kris, before they always ask me, 'Hindi ka ba nagse-selos? Hindi ka ba nagaganito?' I never got to tell you, but I told your researchers that there's this one time, someone told me out of nowhere and I was really, really grateful that you're so nice. Someone asked you daw na parang 'so who has been in your RoadTrek?' Then someone asked you, 'Si Robin napapasok mo na ba?' Tapos sabi mo, 'No, I respect Mariel.' I was so touched," ani Mariel.

"Thank you, you are so sweet. I mean I trust you so much. I know that you wouldn't do anything. There's no reason for me to get jealous but the fact that you said that, I was already so touched. So thank you," ani Mariel kay Kris.

Dagdag ni Mariel, excited na siya nalalapit na pagpapalabas ng Kailangan Ko'y Ikaw.

Maliban kay Kris, kasama din ni Robin ang aktres na si Anne Curtis.

Nakatakda ang premiere ng inaabangang serye sa January 21 (Lunes) sa Primetime Bida.