• Home
  • Fresh Scoops
  • Desiree del Valle admits that she is in a relationship with 'Aryana' co-Star Boom Labrusca

Desiree del Valle admits that she is in a relationship with 'Aryana' co-Star Boom Labrusca

Desiree del Valle talks about the last three weeks of 'Aryana' and how she found love on the set.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/9/2013 10:05 AM
Desiree del Valle admits that she is in a relationship with 'Aryana' co-Star Boom Labrusca


010913-desiree_main.jpgSa ginanap na birthday party ng actor/host na si Ogie Diaz, isa sa mga naging bisita ay si Desiree del Valle. Kinamusta siya ng Push.com.ph lalo nang magtatapos na ang fantaseryeng Aryana. “Sobrang happy naman kami saka naging maganda naman yung reception ng tao sa show ng Aryana. Nakakalungkot kasi patapos na, actually last three weeks na kami running e. So kaya ngayon—after the holiday season—back to work na talaga, back to reality. Siguradong pagagandahin pa namin ang ending ng Aryana.” 

Ang Aryana nga ang masasabing pagbabalik ni Desiree sa primetime serye matapos ang Nasaan Ka Elisa? Kinamusta din ng Push ang kabuuan ng kanyang karanasan na mapabilang sa sinasabing isa sa mga pinakamahabang fantaserye sa telebisyon. “Well actually it’s my first time na maging sirena and isa naman yan sa mga gusto kong ganapin ever since. And now that I was given a chance, ang hirap pala talaga but very exciting. And there are times that you have to go into the water kahit gabi, kahit malamig. Kailangan hindi ka pwedeng magreklamo na ang lamig-lamig ganyan. You just have to do your role pa rin and it’s a fun experience.”

At sa kung ano ang mamimiss niya sa Aryana, sagot niya, “Mamimiss ko ang Sirena World, kasi dun kami lagi, lahat ng mga artista sa Sirena World nagbonding talaga kami lahat. Mommy Tetchie (Agbayani), si Boom (Labrusca), si Chokoleit. Tapos ngayon patapos na kami nakakasama na namin si Ella (Cruz) finally so yun.”

Natanong din si Desiree kung ano ang aabangan sa kanya ng kanyang mga tagahanga pagkatapos ng Aryana. “So far wala pa naman sa ngayon, that’s how it is e. After you do a long running show, you need to take a break. Kahit naman ako walang break, okay naman ako. Pero okay lang naman sana na soon, right after Aryana may role kaagad at sana hindi naman fantasy para maiba naman yung level ng acting.”

Sa pagpasok ng taong 2013 natanong ng Push kung ano ang pinakainaabangan niya sa bagong taon. “I actually had a very good start for this year with my life and hopefully mas magiging maganda ang pagpasok ng 2013, positive thinking lang, positive outlook. Enjoy life lang talaga.”

Kaya naman natanong ng Push kung sa magandang life na sinasabi niya na ito ay kasama ang love life, ang naging pag-amin niya, “Oh yes, definitely, oo naman.” At nang tinanong ng Push kung si Boom Labrusca, na kasama niya sa Aryana, ang kanyang bagong pag-ibig, “Yes si Boom,” ang naging pag-amin niya.

At kung ano naman takbo ng buhay pag-ibig niya ngayon kay Boom, ang nakangiting sagot sa amin ni Desiree, “Maganda, bonggang-bongga! This is it na talaga.”