• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby still wants to pursue his Hollywood dream but won't waste local projects

Sam Milby still wants to pursue his Hollywood dream but won't waste local projects

Sam Milby says that he might not be able to fly to US this February due to work commitments.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/8/2013 10:36 AM
Sam Milby still wants to pursue his Hollywood dream but won't waste local projects


010813-sam_main.jpgMatipid sa sagot si Sam Milby nang tanungin tungkol sa kanyang love life pero sinabi niya na naghihintay pa rin siya for the right girl. Para naman sa 2013, sinabi ng binata na sobrang blessed niya dahil maraming proyekto ang naka-line up para sa kanya, kabilang na ang upcoming afternoon teleserye na Kahit Konting Pagtingin with Angeline Quinto at Paulo Avelino at ang teleseryeng Against All Odds with Judy Ann Santos.

Ang alam ko may gagawin akong movie din, actually I think dalawa, I’m not sure. Basta I’m looking forward sa pagiging busy, sa lahat and having a positive, talagang positive year,” aniya.

Supposedly ay babalik si Sam sa US this coming February para subukan muli ang swerte niya to audition sa Hollywood, pero mukha raw malabong mangyari ito dahil sa sunud-sunod na proyekto. Dagdag pa niya, hindi porke’t pumunta siya roon last year at nag-stay ng two months ay tapos na ang paga-audition niya. “Dapat pabalik-balik,” aniya. “Di ako pwedeng bumalik ngayong February, so depende, pero balak ko pa rin [mag-audition sa US], babalik pa ako.

Paliwanag ni Sam, ayaw raw niya kasing sayangin ang mga nabibigay na oportunidad sa kanya, gaya ng nangyari last year nang pakawalan niya ang isang movie project para mag-audition sa US.

Andaming blessings dito, sayang lang. Ayoko lang maging ungrateful, you know what I mean? Sobrang blessed na daming trabaho rito so I want to do the work that I can while I’m still here pero pabalik-balik, so starting over pa lang do’n that’s why back and forth, back and forth dapat.