• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo says she is '50-50' ready for her first onscreen kiss

Sarah Geronimo says she is '50-50' ready for her first onscreen kiss

The singer-actress says there are a lot to consider before she does her first onscreen kiss.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/7/2013 1:00 AM
Sarah Geronimo says she is '50-50' ready for her first onscreen kiss


010713-sarah_main.jpgNaguguluhan pa si Sarah Geronimo kung handa na ba siya para sa kanyang first onscreen kiss sa upcoming movie nila ni John Lloyd Cruz, ang It Takes A Man And A Woman. “’Yun po ay hindi ko masasagot kung ano ang magiging…basta abangan po natin,” ngiti ng aktres sa interview niya na ipinalabas sa The Buzz kahapon, January 6. “Basta kailangan pag-usapan. Ready na ba ‘yung supporters ko para do’n, o ready na ba talaga ako. Half of my heart ready na pero half of my heart hindi pa. Pero naniniwala naman ako sa galing ng direktor namin.” 

Umaasa rin si Sarah na makamit ang kanyang college diploma. At age 25, aware ang aktres na nahuli na siya sa pagtatapos subalit inuunti-unti naman niya ito. Kumukuha ngayon ang singer-actress ng Associate in Arts Degree sa Open University ng University of The Philippines. 

Tila resolved na rin si Sarah na matuldukan na nakaraan nila ni Gerald Anderson. “May mga bagay na ayaw nating ipilit,”makabuluhan niyang sambit. Sa ngayon daw ay hindi ang tamang panahon para mag-entertain siya ng mga manliligaw pero dalangin ng dalaga ay natuto siya sa mga pinagdaanan niya dahil ayaw na niya itong maulit.