• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales on working again with Coco Martin: 'Sobrang sarap katrabaho si Coco'

Erich Gonzales on working again with Coco Martin: 'Sobrang sarap katrabaho si Coco'

The actress admits that she feels pressured with people's expectations of her upcoming teleserye with Coco Martin.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/7/2013 12:41 AM
Erich Gonzales on working again with Coco Martin: 'Sobrang sarap katrabaho si Coco'


010713-erich_main.jpgSa The Buzz nitong Linggo ay sinabi ni Erich Gonzales na excited siyang muling makatrabaho si Coco Martin dahil wala siyang mapupuna sa mahusay na aktor. “Excited ako na makasama siya ulit. Sobra sarap katrabaho si Coco, talagang professional, napakahusay kaya excited ako na makasama siya ulit sa isang project.” Unang nagkatrabaho ang dalawa sa indie movie na Noy

Aminado rin si Erich na may pressure siyang nararamdaman sa kanilang team-up. “Siguro andun lagi ‘yon di ba pero more of excited kaming lahat kasi bagong offer na naman ito and itong teleserye na ito maraming first time,” aniya. 

Sinabi naman ng The Buzz guest co-host na si Gretchen na excited siya for Erich dahil tuloy-tuloy ang magagandang proyektong naibibigay sa kanya. Nagkatrabaho sina Gretchen at Erich sa teleseryeng Magkaribal. Aniya, mahusay si Erich at magaan at masayang katrabaho. Pagpapatuloy pa niya, hindi raw nai-intimidate ang aktres at kayang sabihin ang niloloob niya kaya naman gustong gusto siya ni La Greta.