• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Matsunaga talks about being linked to Kris Aquino and Melai Cantiveros

Daniel Matsunaga talks about being linked to Kris Aquino and Melai Cantiveros

The model-turned-actor reveals what she likes about Melai and what she gave Kris for Christmas.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/7/2013 12:44 AM
Daniel Matsunaga talks about being linked to Kris Aquino and Melai Cantiveros


010713-daniel_main.jpgSinagot ni Daniel Matsunaga ang isyung pagli-link sa kanya sa dalawang babae, sina Kris Aquino at Melai Cantiveros. Inamin din ng Brazilian-Japanese model na naka-move on na siya sa paghihiwalay nila ng dating kasintahan na si Heart Evangelista. “Single ako ngayon and I’m really ready for the next girl who’ll come to my life, in God’s time,” sambit ng model-turned-actor. 

Kinumpirma rin niya na nagpalitan sila ng number ni Melai nang mag-guest minsan ang binata sa Kris TV, kung saan naging guest co-host ni Melai. Bukod daw sa itsura, tinitingnan din daw ni Daniel ang pagkatao ng isang babae at natutuwa siya kay Melai. “Sobrang mabait siya, sobrang nakakatawa and it’s very important. It’s very sexy to be funny.” Aniya, magka-text pa rin sila ni Melai pero bilang magkaibigan lang.

Pinadalhan naman niya ng regalo si Kris noong Pasko, pati na sina Josh at Bimby. Niregaluhan daw niya ang mag-iina ng cupcakes. Dagdag pa niya, may ipinadala rin siyang DVD ng Hillsong music sa Queen of All Media dahil pareho silang Christians.  

Aniya, natuloy rin ang paglabas nila ni Kris Aquino at pinanood nila ang kanilang pelikulang Sisterakas, kasama ang iba pang cast ng pelikula kagaya nina Vice Ganda, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Direk Wenn Deramas at ang iba pa nilang mga kasamahan. 

Sinabi rin ni Daniel na isa sa mga pangarap niya na makapagtrabaho sa ABS-CBN at nage-enjoy siya na nabigyan siya ng magagandang oportunidad ngayon.