Claudine Barretto, 'no comment' on hospital issue

The actress called up sister Gretchen Barretto and said that she does not want to react on the issue.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/7/2013 12:48 AM
Claudine Barretto, 'no comment' on hospital issue


010713-claudine_main.jpgIsang balita ang pumutok bago pa magtapos ang 2012 na diumano’y nagwala si Claudine Barretto sa isang ospital at pinagalitan pa umano ng aktres ang isang doctor, batay sa kwento ng ilang showbiz sources. 

Kinunan ng reaksyon ng The Buzz ang mga abogado ng aktres at itinangging nagwala si Claudine sa nasabing insidente. Ani Atty. Renel Operario, “Knowing naman Claudine, hindi naman basta-basta mang-aaway ‘yon ng ganun-ganun lang, so sa ngayon 'di pa namin masasabi kasi wala pa kaming information as to that.” 

Dagdag naman ni Atty. Rose Ann Rosales, “Kausap namin siya from time to time and wala naman ganung insidente.” 

Sinubukan ng grupo ng The Buzz na kunan ng reaksyon ang aktres via text message subalit sinabi nitong nasa out-of-town siya at ganun din ang naging sagot ng kanyang manager na si Shirley Kuan. 

Dahil guest co-host si Gretchen Barretto sa The Buzz nitong Sunday, ikinuwento ng aktres na sinubukan niyang kunan ng komento ang kapatid. “Kanina tinext ko siya, I said, ‘Claud, I’m co-hosting The Buzz and they’re asking kung totoo nga ‘yung nangyari or if you can comment.’ Tinawagan niya ako nung nasa dressing room ako sabi niya, ‘Ayoko nang mag-comment d’yan.’ So I guess I have to respect that,” ani Gretchen.