Xian Lim's mom on Kim Chiu: 'Sana sagutin na niya si Xian'

Xian Lim's mom Mary Anne speaks up about her approval of Kim Chiu for her son.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/5/2013 10:18 PM
Xian Lim's mom on Kim Chiu: 'Sana sagutin na niya si Xian'


010613-xian_main.jpgMaraming revelations about Kim Chiu at Xian Lim ang nangyari sa January 3 episode ng Kris TV nang i-phone patch ang older sister ni Kim na si Lakam Chiu at ang ina ni Xian na si Mary Anne Cruz-Lim.

Unang nakausap ng host na si Kris Aquino via phone si Lakam at tinanong niya ito kung masaya siya na makita na ang kanyang younger sister ay masaya sa kanyang buhay ngayon. “Of course, happy kami sa buong family. Nakikita namin ang princess namin happy everyday,” sagot ni Lakam.

Hindi naman siya agad nakasagot nang tanungin ni Kris kung malaking factor ba ng happiness niya ay dahil kay Xian. Pero nabanggit ni Lakam na wala naman silang problema pagdating kay Xian kapag dumadalaw ito sa bahay kapag may party. Aniya, mas nakikilala niya si Xian kapag nakakasama niya ito.

Sumunod namang nai-phone patch ang mommy ni Xian. Unang sinabi ni Mommy Mary Anne na very proud siya sa narating ng kanyang anak. “I’m really proud and what more can I ask for? I’m well-blessed with a wonderful son [who’s] really obedient, and as long as he’s happy, that’s all that matters to me.”

Ibinunyag din ng ina na may iba siyang glow na nakikita sa kanyang anak at malaking factor si Kim sa glow na iyon. “Si Xian, I see a different glow in his eyes. Malaking tulong [do’n] si Kim. Nakikita ko na si Kim, aside from being very pretty, she is also old-fashioned,” anang ina ni Xian. Sinabi pa ni Mary Anne na nag-wish siya na sana ay makakakita ng “nice girl” si Xian. “And ayan na siya, sana sagutin na niya si Xian.”

Inamin naman ng aktor na “happy and inspired” siya kapag kasama si Kim.  “Kasi ‘yung energy niya, ‘yung positive outlook niya sa life, positive lang talaga siyang tao,” ani Xian. Inspired naman daw siya dahil kapag kasama niya si Kim nahahawa siya sa pagiging masiyahin ng aktres.

Inamin din nila na wala silang ibang ine-entertain ngayon at espesyal sila sa isa’t isa.

Sinabi naman ni Kim na napapasaya siya ni Xian sa maraming bagay. “Not only sa mga gifts but sa mga pinapakita niya sa akin, ginagawa niya for me. Siyempre nakakatuwa and nakaka-touch,” ani Kim.