Sarah Geronimo tells people to stop blaming her parents

Sarah Geronimo says people should stop accusing her parents of sabotaging her love life.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/5/2013 12:42 AM
Sarah Geronimo tells people to stop blaming her parents


010513-sarah_main.jpgNaiyak si Sarah Geronimo sa New Year thanksgiving party niya kamakailan nang matanong siya hinggil sa pagbaling ng sisi sa kanyang mga magulang dahil sa naunsyami niyang buhay pag-ibig, partikular na kay Gerald Anderson.

Tama na po. ‘Wag n’yo pong isisi sa mga magulang ko sa mga nangyayari dahil hindi n’yo po alam ang mga tunay na nangyari,” simula ni Sarah sa panayam ng TV Patrol. “Ang sakit-sakit po eh para sa mga magulang ko, lalo na sa nanay ko na masyado nilang bina-bash. Hindi nila alam kung ano ‘yung mga pinagdaanan namin, mga pinagdaanan ko. Kung sinuman ang mga taong involved dito alam niya, alam ko, alam ng mga taong ‘yon ‘yung mga totoong nangyari.

Hindi direktang binanggit ni Sarah ang pangalan ni Gerald pero hindi niya itinanggi ang sakit na naramdaman niya sa mga nangyari sa kanila. “Totoo ‘yung sinasabi ni Ate Juday (Judy Ann Santos) na parang every heartache nagi-increase ‘yan, ‘yung pain level niya… Thankful ako sa Diyos, kumbaga sabi nga nila lahat ng nangyayari happens for a reason. Pag may paniniwala ka sa isang bagay o sa isang tao, once na may makita ka na ikakasira talaga no’n, ayaw mo nang magbulag-bulagan pa,” sambit ng dalaga.

For the meantime ay sarado muna ang puso ni Sarah sa pag-ibig pero kung may mga manliligaw raw ay nililinaw ni Sarah na hindi pwedeng isantabi ang kanyang pamilya.

Na-shock naman siya sa mga hula sa kanya na mabubuntis siya ngayong taon. Kung mangyari man daw iyon ay sana raw mauna muna ang kasal.

This coming week ay tatrabahuhin na ng Popstar Princess ang third movie nila ni John Lloyd Cruz, ang It Takes A Man And a Woman.

—from a report by TV Patrol