• Home
  • Fresh Scoops
  • Bangs Garcia clears up rumors about her dance number with the Azkals on 'ASAP'

Bangs Garcia clears up rumors about her dance number with the Azkals on 'ASAP'

Bangs Garcia clarifies that nothing offensive happened during her ASAP dance production with the Azkals.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/31/2013 10:22 AM
Bangs Garcia clears up rumors about her dance number with the Azkals on 'ASAP'


013113-bangs_main.jpgSa presscon para sa unang anibersaryo ng Luv U, nakapanayam ng Push.com.ph si Bangs Garcia at inamin niyang hindi rin niya inaasahan na ganito kainit ang magiging pagtanggap ng mga manonood sa programa nila. Aniya, “Siyempre sobrang proud. Hindi ko naman ineexpect na parang tatagal kami ng parang Let’s Go (unang show ni Bangs Garcia kung saan siya nakilala). Kasi ako I am so happy with my Luv U family dahil since 2006, I have been with the same staff, same directors, so sobrang happy ako at at home ako when I am taping with them.”

Nagbigay din siya ng mga eksenang dapat abangan sa mga susunod na episodes ng Luv U. Naku, may aabangan sila na tinape namin. Kailangan panoorin niyo yun basta something na revelation sa part ko at [sa character ni] Igi Boy Flores.”

Sinagot rin niya ang mga lumabas na isyu kamakailan sa naging dance production niya sa ASAP 18 kasama ang ilan sa mga miyembro ng football team na Azkals Global FC. May ilang mga kumalat na balitang diumano’y na-offend siya at hindi naging kumportable sa naging takbo ng produksyon. “Hindi ako sa naging comfortable sa dance prod namin, but it’s because I got disappointed kasi hindi nami na-perfect yung dance and I was so busy taping other shows. Tapos I tried my best to rehearse with them and I understood naman na hindi sila dancers so hindi ko sila pwede masisi. So I think hindi lang nagkaroon ng proper coordination with the X10 dancers so hindi sila na-cue ng maaga, so domino effect, kapag late yung liftings, late na lahat until the end. So I tried my best na habulin yung chorus. Meron nga ako isang Azkal na hindi ko natuloy yung lifting with him, I think it’s Dennis Wolfe so nagsorry ako sa kanya kasi nakita ko yung video nagmukha siyang kawawa sa stage so I am really sorry and triny ko talaga yung best na habulin yung chorus at yun na talaga yung chance na mahabol ko ay i-miss ko na yung liftings with him.”

Dagdag pa ni Bangs, “It worked well naman nung napanood ko hindi naman nagmukhang palpak. Pero siyempre lahat ng nakakita ng rehearsals sabi nila anong nangyari. Ilang beses mong nireherase yun perfect naman sobrang ganda so ayun naiyak lang ako after.”

At muling klinaro ni Bangs na walang katotohanan ang ilang lumabas na balita na may nangyaring pambabastos. “Ay hindi, they are all gentlemen. Sobrang bait nila sa akin. Isa sila sa mga nagcomfort sa akin nung mga time na yun. Wala, it’s not their fault. At first time nila to perform live on ASAP di ba so athletes talaga sila, hindi sila dancers so hindi sila dapat sisihin.