• Home
  • Fresh Scoops
  • Vice Ganda confirms Anne Curtis apologized to Maja Salvador via text message

Vice Ganda confirms Anne Curtis apologized to Maja Salvador via text message

The comedian explains that his friend Anne Curtis didn't mean to mock Maja Salvador with her 'Majarot' remark in 'It's Showtime'; adds that Maja did not reply to Anne's text message.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/27/2013 9:52 PM
Vice Ganda confirms Anne Curtis apologized to Maja Salvador via text message


012813-vice_main.jpgInere sa The Buzz kahapon ang panayam kay Vice Ganda hinggil sa kinasasangkutang isyu ng kanyang kaibigan at fellow It’s Showtime host na si Anne Curtis. 

Nagsimula kasi ang isyu sa isang episode ng noontime show kung saan nag-punch line si Anne kay Vice Ganda ng “Maja-rot” sa kasagsagan ng kontrobersiyang kinasasangkutan nina Maja Salvador at Kim Chiu na dating mag-best friend. Nali-link kasi si Maja kay Gerald Anderson na dating boyfriend ni Kim. 

Paliwanag ni Vice sa panayam sa The Buzz, hindi umano aware si Anne sa isyu tungkol kina Maja at Kim nang gawin ang kanyang joke. “At saka di ginawa ‘yon ni Anne para gawing katatawanan si Maja o ma-offend si Maja,” pagtatanggol ni Vice sa kaibigan. 

The next day episode ng nasabing programa ay nagbigay ng public apology si Anne para sa kanyang biro pati na kay Maja (Read related story here). 

Ani Vice, dahil sa ginawang joke ni Anne ay nakatanggap ang aktres ng mga batikos via her Twitter account at ang iba ay mga personal pang atake kay Anne. 

Kahit si Vice man ay humingi ng paumanhin sa mga na-offend kung hindi man nagustuhan ng iba ang joke nilang iyon sa It’s Showtime. 

Pagkumpirma pa ni Vice, personal na nag-text si Anne kay Maja dahil sa nangyari. “Ang pagkakaalam ko personal na nag-text si Anne kay Maja.” 

Naitanong din kay Vice kung alam ba niya kung sumagot si Maja sa text ni Anne. “Sa pagkakaalam ko hindi… hindi sumagot. Hindi ko alam kung ano ang dahilan, baka hindi nabasa, baka mali na ‘yung number pero sigurado akong nag-text si Anne,” ani Vice. 

Pero hindi ko na alam kung ano (ang dahilan kung bakit di sumagot si Maja), baka nagti-taping, ‘di ba?” dugtong ni Vice at idinagdag na baka may ibang ginagawa si Maja kaya di ito naka-reply.

Optimistic naman si Vice na hindi magiging magkaaway sina Anne at Maja at maging si Vice ay sinabing love niya sa Maja na ilang beses na raw niyang naging guest sa show niyang Gandang Gabi Vice