• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to work on their movie and next teleserye together

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to work on their movie and next teleserye together

The onscreen couple reveal what they will miss most about working on the set of 'Princess and I'.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/27/2013 9:41 PM
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla to work on their movie and next teleserye together


012813-kathniel_main.jpgNasa huling linggo na ang teleseryeng Princess And I ngayong linggo na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo, Enrique Gil at Daniel Padilla. Consistently ay naging top-rater ang nasabing teleserye at sinabi ng lead character na si Kathryn na hindi niya ito inasahan. 

Ani Kathryn, nang maging successful ang previous teleserye niya na Mara Clara, ayaw niyang magkaroon ng expectation para sa Princess And I. Ang tanging nais lang daw niya ay gumawa ng isang proyekto na iba sa una niyang ginawa.
 
Samantala, sa The Buzz kahapon ay pinag-usapan din kung ano ang tunay na estado ng relasyon nina Kathryn at Daniel. Hindi man nagbigay ng diretsong sagot si Daniel, inamin nito na malayo na raw ang nararating ng kanyang pagtangi kay Kathryn. Sinang-ayunan naman niya ang sinabi ng host na si Toni Gonzaga na getting-to-know stage na sila ni Kat. 

Sinuportahan naman ito ni Kathryn at sinabing ang estado nila ay “sakto” lamang sa kanyang edad. 

What they will miss most about each other

Ang role raw ni Daniel bilang Gino sa teleserye ay shoulder to cry on ni Mikay (Kathryn), pero kahit daw sa totoong buhay ay ganito si Daniel sa aktres. Ani Kathryn, nasasabihan daw niya ng problema si Daniel. 

Ang memorable raw kay Kathryn pagdating kay Daniel ay ang pagpapakain niya sa binata. “Kasi ako ang nagpataba, kami ni Mamu, ang nagpataba kay DJ (nickname ni Daniel). Tumaba na ‘yan sa lagay na ‘yan,” ani Kat.  

Para naman sa isa pa niyang leading man, hindi naman daw makakalimutan ni Kat ang pagiging hyper ni Enrique na kahit silang lahat ay pagod na, marami pa itong energy. 

Ang pinakamami-miss naman daw ni Daniel kay Enrique ay ang mga usapan nila lalo na ang tungkol sa mga kotse dahil pareho silang car-lovers. 

Looking forward to their next projects

Ngayong taon, bukod sa launching movie nina Kathryn at Daniel na ipapalabas this March or April, muli rin silang magkakasama sa isang teleserye. 

Magbabakasyon naman daw muna si Enrique after Princess And I at pagkatapos ay magkakaroon ng isang proyekto na drama.