• Home
  • Fresh Scoops
  • Dawn Zulueta says she's willing to replace Maricel Soriano in 'Bukas Na Lang Kita Mamahalin'

Dawn Zulueta says she's willing to replace Maricel Soriano in 'Bukas Na Lang Kita Mamahalin'

The dramatic actress says she finds the role appealing but leaves the decision to her manager Boy Abunda.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/27/2013 9:47 PM
Dawn Zulueta says she's willing to replace Maricel Soriano in 'Bukas Na Lang Kita Mamahalin'


012813-dawn_main.jpgMalaki raw ang posibilidad na tanggapin ni Dawn Zulueta ang role na unang ibinigay kay Maricel Soriano para sa upcoming teleserye na Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Pagkatapos ng isyung kinasangkutan kamakailan ni Maricel at co-star nito sa teleserye na si Gerald Anderson, kumpirmadong hindi na kabilang ang Diamond Star sa teleserye at naiulat na ito ay in-offer kay Dawn. 

Sa interview ni Dawn na ipinalabas sa The Buzz kahapon, sinabi ng aktres na inihapag na sa kanya ng mga producers ng ABS-CBN ang storyline ng nasabing proyekto. “Nagustuhan ko rin,” ani Dawn. “Right now ang nangyayari, nag-uusap ang business manager ko, si Boy Abunda at ang ABS-CBN, and malalaman natin sa Lunes (January 28) kung ano ang desisyon.”  

Papuri pa ni Dawn sa role, “It’s a wonderful story and a wonderful cast. ‘Yung likelihood na tatanggapin ko is pretty high but it’s still pending. Sa Lunes pa talaga namin ‘yan mako-confirm.” 

Hindi na nagbigay ng panig ang kampo ni Maricel matapos ang nangyaring diumano’y pangongompronta niya kay Gerald. May posibilidad umanong sumailalim ang aktres sa anger management. 

Pero sa The Buzz ay iniulat na tuloy umano ang gagawing movie project ni Maricel with Vice Ganda na may tentative title na Boy Girl Bakla Tomboy at sa mga susunod na araw ay gaganapin na ang kanilang story conference. 

May isa pa umanong nakatakdang gagawing pelikula si Maricel with Eugene Domingo.