Sarah Geronimo is open to do a sitcom with John Lloyd Cruz

Sarah Geronimo admits that she wants to do a TV show with John Lloyd Cruz.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/24/2013 10:16 AM
Sarah Geronimo is open to do a sitcom with John Lloyd Cruz


012413-sarah_main.jpgInamin ni Sarah Geronimo na naiisip niya na magkaroon ng sitcom kasama ang big screen leading man niya na si John Lloyd Cruz.

Sa pagpirma niya muli ng isang taong kontrata sa ABS-CBN kamakailan, sinabi ni Sarah na nais niyang magkasama din sila ni John Lloyd sa isang palabas sa telebisyon.

"New projects. Kasama 'yung weekly show, either teleserye or sitcom or musical variety show," ani Sarah.

"Sino ba ang gusto kong makasama… [Basta] kahit sino, kahit sinong willing makatrabaho ako pwede sila Luis (Manzano), Billy Crawford or Lloydie. Yung mag-sitcom, pwede din yan kay Lloydie," dagdag ng singer. 

Giit ni Sarah wala pang usapan sa nasabing sitcom at kung maari nga silang magkasama ni John Lloyd sa telebisyon.

Matatandaang maliban kay John Lloyd, close din si Sarah kay Luis na minsan ay guest  co-host niya sa "Sarah G Live!" Samantalang aminado naman siyang hinahangaan niya bilang performer si Billy.

Sa ngayon ay busy si Sarah at John Lloyd sa pagtatapos ng ikatlo nilang pelikula na "It Takes A Man And A Woman."

Ang nasabing pelikula ang huling installment na ng kanilang "A Very Special Love" movie franchise.

Nang matanong kung magiging si John Lloyd ba ang magiging first kiss niya on screen, sinabi ni Sarah na kinakailangan pa din itong pag-usapan.

"Hindi lang naman yon ang hinahabol ng tao (yung kiss) kung hindi yung istorya talaga," ani Sarah. 

Maliban sa pelikula, maari ding magkaroon muli ng isang variety show si Sarah na ngayon na main host ng weekly musical show na "Sarah G Live!."