• Home
  • Fresh Scoops
  • Kris Aquino and Anne Curtis are thrilled with the success of 'Kailangan Ko'y Ikaw'

Kris Aquino and Anne Curtis are thrilled with the success of 'Kailangan Ko'y Ikaw'

Kris Aquino and Anne Curtis are happy with the viewers' positive feedback about their new soap.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/24/2013 9:59 AM
Kris Aquino and Anne Curtis are thrilled with the success of 'Kailangan Ko'y Ikaw'


012413-krisanne_main.jpgLubos ang pasasalamat ni Queen of All Media Kris Aquino at Anne Curtis sa suporta ng mga Filipino sa kanilang seryeng "Kailangan Ko'y Ikaw" kung saan leading man nila ang "Idolo ng Masa" na si Robin Padilla.

Bukod sa mga papuri online, pinatunayan din ng mataas na ratings ang success ng pinakabagong serye ng ABS-CBN.

"Thank u- tears of joy because of all your tweets! #Kailangankoyikaw !," ani Kris sa kanyang Twittter account.

"I want to reply individually to all of u- Thank u!!! For now let me just say @annecurtissmith & I were just texting & super love the POSITIVITY & love u r sending our way! Thank you! We’ll do our best to be worthy!," dagdag nito.

Nagpasalamat din si Kris sa mga nagsasabing "movie quality" ang dating ng serye.

Samantala, inihayag din ni Anne ang kaligayan na maibigat sa kanyang mga fans ang pinakabagong serye ng Kapamilya network.

"There you have it! The pilot episode of #kailangankoyikaw Hope you all enjoyed and continue to support the journey of Roxanne, Ruth & Bogs," ani ni Anne na tumutukoy sa kanilang mga karakter.

Sa data na ipinalabas ng research group na Kantar Media, lumalabas na tinalo ng "Kailangan Ko'y Ikaw" ang kalaban nitong palabas na "Temptation of Wife (17.5% )" ng GMA-7 matapos itong makakuha ng 23.6% nationwide TV ratings sa unang araw ng pagpapalabas nito noong Lunes, January 21.