• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin wants to concentrate on television projects this year

Angel Locsin wants to concentrate on television projects this year

Angel Locsin admits that she has some TV projects in the works, but doesn't want to give any details yet.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/22/2013 9:55 AM
Angel Locsin wants to concentrate on television projects this year


012213-angel_main.jpgSa naging panayam ng Push.com.ph kay Angel Locsin, napag-usapan ang kanyang pinakahuling pelikulang One More Try kung saan marami siyang positibong reaksiyon na nakuha sa kanyang pagganap. “Actually binabasa ko yung reviews. First time kong makabasa ng ganito karami. Overwhelming yung response ng tao sa Twitter, sa blogs. Maraming salamat po sa mga nabasa kong reviews sa akin at sa aming lahat. Thank you po talaga at nagustuhan niyo ang One More Try.”

Kaalinsabay sa magagandang reaksiyon ng mga manonood sa kanya, inamin ng aktres na nagdalawang-isip siya na tatanggapin ang nasabing role. “May hesitation talaga ko kasi bukod sa mother role siya, kaya ko ba? Kasi hindi ko naman talaga alam ang emosyon ng isang nanay talaga ‘di ba? Baka ‘di ko mapanindigan so isang challenge talaga sa akin. At pressured na pressured ako sa ginagawa ko sa pelikula. At nung lumabas happy naman ako, happy naman ako na nagustuhan ng mga tao yung pinakita ko.

At sa pagpasok ng taong 2013, may ilang mga bagay na isinaad ang dalaga na nais niyang mangyari sa taong ito. “Ako kasi sa positive things ako tumitingin ng mga bagay-bagay at nangyayari, at positive din ang papasok. Sana yung papasok na project is an action project para pahinga naman muna sa drama. And basta, maraming bagay-bagay na pinaplano pa namin ngayon na sana matuloy.” 

Kaya naman agad kinumpira ng Push kung ano ang mga nakalinya na project niya at kasama din ba dito ang Darna. “May inaayos pero ako kasi ayaw ko muna magsalita. Yung management na lang ang magsabi pero inaayos pa lang naman lahat. Pwedeng pahinga, pwedeng hindi, wala naman tayong hinahabol ngayon e.”

Ngunit inamin ng dalaga na sa taong ito nais niya talagang tumutok muna sa proyektong pang-telebisyon. “Hindi ko talaga alam. Sila naman ang nagdedecide.” Dagdag pa niya, “Hindi ko pa alam kasi baka mapagalitan ako at kung anong sabihin ko. Kasi ilang beses na rin naman kasi nagpresent tapos hindi matutuloy so ayaw ko na pangunahan so kung ano yun, yun na yun.”

Napabalita na rin na magkakaroon ng pelikula at pagsasama-samahin ang mga tinaguriang “Prinsesa ng Star Cinema.” Kasama ni Angel sa nasabing proyekto ang nakasama niya rin sa pelikulang One More Try na si Angelica Panganiban. Dagdag pa dito sina Toni Gonzaga at Bea Alonzo. “Hindi ko alam kasi actually sinabi na lang yun sa amin dun sa Star Cinema mismo. As in on the spot sinabi sa amin tapos interview agad. Pero depende sa kanila. Ako kasi sana mag-TV muna ako kasi tatatlong pelikula na yung ginagawa ko sunod-sunod. So TV muna para pahinga ka muna sa movie. Ano nanaman kasi ipapakita mo, baka wala ka nang mapakitang bago.”

At sa pagiging abala ni Angel nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon dahil sa kanyang pelikulang kabilang sa nagdaang Metro Manila Film Fest, natanong na rin ng Push kung may plano siyang magbakasyon kasama ang kanyang pamilya at si Phil Younghusband. “Kakagaling lang namin [sa Boracay] pero one day lang yun. Kinasal lang kasi yung best friend ko, nag maid-of-honor lang.” Dagdag pa niya, “Yun yung one day lang. Bitin, sobrang bitin kasi yung family ko nandun dun lang. Ang pangit nung feeling na lahat sila tanghali magigising at kayo may maagang flight pauwi parang ganun pero okay naman at least may time to bond with friends and family.”

Para sa paparating na Valentine’s Day, may plano ba sila ni Phil? “Hindi ko na lang sasabihin pero siyempre may mga pasabog si Phil na hindi ko alam kung masisingit.