• Home
  • Fresh Scoops
  • Will Zanjoe Marudo pop the question to girlfriend Bea Alonzo this year?

Will Zanjoe Marudo pop the question to girlfriend Bea Alonzo this year?

Zanjoe Marudo admits that he doesn't have any plans yet of asking for Bea Alonzo to marry him.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

1/19/2013 10:52 PM
Will Zanjoe Marudo pop the question to girlfriend Bea Alonzo this year?


012013-zanjoe_main.jpgKamakailan ay nakapanayam ng Push.com.ph si Zanjoe Marudo tungkol sa pelikula niyang One More Try kung saan maraming nakapansin ng ipinakitang pag-arte niya dito. “Actually yung buong pelikula mahirap siya e, mahirap siyang ikwento, mahirap siyang buuin. At siyempre excited ako na gumawa ng ganitong project at gumawa ng ganitong role kasi unang-una ngayon lang ako nabigyan ng magandang project, ng ganito kaseryosong role so nakaka-excite imbes na mahirapan ako. Wala namang tama o mali e, sasabihin naman ng direktor kung tama o sobra.

Mas magiging pihikan na ba siya sa mga role at proyektong gagawin? “Hindi naman magiging mapili pero siyempre habang marami ka pang ginagawang mga roles gusto mo iba-iba. Hindi naman ako na yung nandito ako ito yung gagawin ko lagi. So kung ako ito nagawa ko na gusto ko na bago, gusto ko naman iba. So maghahanap at maghahanap ako ng roles na gusto kong gampanan na hindi ko pa nagagawa dati.”

Kung matatandaan, sa panayam ng kasintahan niyang si Bea Alonzo, ayaw ni Bea na ipapanood noon ang mga maseselang eksena ng kanyang pelikulang The Mistress sa kanya. Ganun din ba si Zanjoe? “Hindi, nakwento ko na agad. Ang problema lang hindi sila naniniwala, naniwala na lang siya nung napanood na niya at kinonfirm din ni Inang (director Olive Lamasan) na ‘Oo totoo yun.’” At ang naging reaksiyon ni Bea ayon kay Zanjoe, “Wala nung umpisa kasi hindi pa namin napapanood, parang nagpapaka-ano siya na kunwari magagalit pero nung napanood niya, hindi naman. Natuwa naman siya sa kinalabasan ng pelikula at proud naman siya sa pelikula at sa akin.”

Napag-usapan din ang ilan sa kanyang inaantabayan ngayong 2013. Aniya, “Movies saka sa TV naman sana sitcom makaggawa ako ulit saka Banana Split sana magtuloy-tuloy pa rin.” Dagdag pa ng aktor tungkol sa plano niya sa taong ito, “Ayun mapatayo ko yung bahay na gusto ko, ayun na. Actually yun lang ang gusto kong mangyari ngayong taon na ito at makagawa ng maraming projects at makagawa ng comedy.”

At ngayong 2013 na din ba mangyayari ang sinasabing wedding proposal niya sa kasintahang si Bea? “Wala pa, wala pa sa plano pero kailangan diyan matagal na plano. Sa dami ng mga magagandang proposal parang mahirap sumabay. Dapat may maisip ka pang kakaiba.”