• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunshine Cruz reveals marital problem with Cesar Montano via Twitter

Sunshine Cruz reveals marital problem with Cesar Montano via Twitter

Sunshine Cruz speaks up about Cesar Montano's alleged affair with showbiz newbie Krista Miller.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/19/2013 11:09 PM
Sunshine Cruz reveals marital problem with Cesar Montano via Twitter


012013-sunshine_main.jpgDumadaan sa matinding pagsubok ang pagsasama ng mag-asawang sila Cesar Montano at Sunshine Cruz..

Sa Twitter at Instagram ibinuhos ni Sunshine ang damdamin sa hindi nila pagkakaunawaan ni Cesar dahil sa pagkakaugnay ng asawa sa starlet na kinilalang si Krista Miller.

"I have been quiet. Weeks of texting and sending photos. I was REALLY QUIET but you don't know the meaning of being DISCREET? I BOUGHT THAT SHIRT and it's a guy's shirt for heaven's sake!, the chocolate is from my sis in law and that is my iphone5. Di mo na dapat ipagmalaki sa social networking."

Tumutukoy ang mensahe ni Sunshine sa larawang ipinost naman ni Krista sa Instagram kung saan pinapakita dito ang mga regalo ni Sunshine na napunta naman sa starlet.

Sa mensahe ni Sunshine kay Krista sa pamamagitan naman ng Twitter sinabihan nito ang huli na ibalik ang iPhone5. Itinag din ni Sunshine ang kanyang mensahe sa pinsan na si Geneva Cruz.

"iamKRISTAMILLER just have the decency to return the iphone5 my dear. Im sure you can do better that that. @heavensmother she has my iphone5 and shirt! Lol!"

Sa huli namang post ni Sunshine sa Instagram bago niya ito isara. Sinabi niyang hindi na niya mapigil pa ang sarili sa sakit na nadarama lalo't damay na ang kanyang mga anak.

"im so sorry dear Friends and Family. I have been really quiet but when kids are affected unfair na yun. it is actually them who told me about this. they are hurt! im moving on. with my children. God bless you both For doing this to us."

Samantala sa Twitter din ay tila sagot naman sa kontrobersya ang naging pahayag ni Krista.

"Misinterpretation leads to wrong accusations. God bless!," ani Krista.

Sinasabing pinag--iisipan na ngayon ni Sunshine ang paggawa ng legal na hakbang para mapawalang bisa na ang nila ni Cesar.

Noong 2000 ikinasal si Sunshine kay Cesar, ama ng kanyang tatlong anak.