• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo reveals why she once fell in love with John Lloyd Cruz

Sarah Geronimo reveals why she once fell in love with John Lloyd Cruz

Sarah Geronimo answers if it's possible for her to fall for John Lloyd Cruz's charm again.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/19/2013 11:03 PM
Sarah Geronimo reveals why she once fell in love with John Lloyd Cruz


012013-sarah_main.jpgInamin sa unang pagkakataon ni Sarah Geronimo na napaibig siya ng aktor na si John Lloyd Cruz.
 
"Oo naman po, opo. Hindi ko na po idi-deny ‘yon. Alam na naman din po ng mga  tao ‘yon. Sabi ko nga sa kanya ay huwag kang ngingiti ng ganyan at nabibiktima ang mga tao, ani Sarah nitong Huwebes (January 17) sa one-year contract signing nito sa ABS-CBN.
 
Dagdag ng singer-actress  nahulog siya kay John Lloyd dahil sa magaganda nitong katangian tulad ng maayos na pakikisama.
 
"Si Lloydie magaling makisama mula sa maliit hanggang sa malaki na mga tao ay maganda (ang) pakikitungo niya. At ako bilang beginner ako (noon), bilang bagong leading lady niya, hindi ko naramdaman na iba ako. Yung sinasabing may star complex, hindi siya ganoon. Doon ko siya ina-admire at hinahangaan. At ang sarap niyang kausap," dagdag ni Sarah.
 
Matatandaang naging usap-usapan na din noon ang naudlot ding pag-iibigan ni Sarah at John Lloyd.
 
Nagsimulang maging close ang dalawa noong gawin nito ang una nilang pelikulang A Very Special Love na nasundan pa ng You Changed My Life.
 
Sa ngayon ay excited si Sarah sa pangatlong pelikula niya kasama si John Lloyd ang It Takes A Man And A Woman.
 
"Blessed ako na makatrabaho ko ulit si John Lloyd na isang magaling na aktor. Ang sarap lang sa pakiramdam na wala na yung ilangan. May konting ilangan pa rin siyempre babae ako at lalaki siya, hindi po ba? Pero mas magaan na kami ngayon mag-trabaho at enjoy kami sa set."
 
Maingat naman ang tugon ni Sarah nang matanong kung maari bang muli siyang umibig kay John Lloyd dahil sa pagsasama muli nila sa pelikula.
 
"Huwag naman po at may girlfriend yung tao. Yun po yung ayaw na ayaw kong mangyayari."