Sarah Geronimo on Maja Salvador: 'I wish her true love'

Sarah Geronimo maintains that she has no ill feelings towards Maja Salvador; apologizes for her 'womanizer' remark pertaining to Gerald Anderson.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/18/2013 8:33 PM
Sarah Geronimo on Maja Salvador: 'I wish her true love'


011913-sarah_main.jpgNaging bukas si Pop Star Princess Sarah Geronimo sa usaping nag-uugnay ngayon sa dati nitong manliligaw na si Gerald Anderson sa aktres na si Maja Salvador.
 
Ayon kay Sarah, dalangin niyang makahanap si Maja, na naging malapit din sa kanya bilang kaibigan, ng isang tunay na pagmamahal.

"Si Maja (ay) naging malapit din po sa akin. Basta I wish her true, true love. Totoong pagmamahal. Siyempre every girl deserves true love as in 'yung paninindigan talaga," ani Sarah sa mga reporters nitong Huwebes (January 17) nang pumirma muli siya ng isang taong kontrata sa ABS-CBN.

Pero nang tanungin kung naapektuhan ba ang relasyon nila ng Maja ng pinakabagong pangyayari, tumanggi na lamang magsalita si Sarah.

Dagdag niya, hindi na din kailangan pang magkaroon sila ng pag-uusap ni Maja para lang masabing may "closure."

"Wala, wala naman pong kailangang pag-usapan sa amin ni Maja. Basta ako gusto ko na lang po munang dumistansiya muna ng hindi na ito gumulo ng gumulo at lumaki ng lumaki. Si Maja matanda na din, alam na po niya ang ginagawa niya at desisyon niya. Hayaan po natin siya."

Sa panayam, humingi din muli ng pasensiya si Sarah sa naging pahayag niya noong Linggo sa "Sarah G Live" kung saan tila pinatatamaan niya bilang babaero si Gerald.

"Yun po kasi ang outlet ko talaga hindi ko po idi-deny 'yon. Pero tapos na. Nag-apologize ako ng closing. Mali po 'yung inasal ko," ayon sa aktres na inaming hindi nakontrol ang emosyon dahil sa nadala sa kanyang mga kanta.