Sarah Geronimo calls for finding a "faithful" man

The Popstar Princess says women must raise their standards when it comes to falling in love.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/16/2013 9:38 AM
Sarah Geronimo calls for finding a


011613-sarah-main.jpgNaging maingay online ang naging pahayag ni Pop Star Princess Sarah Geronimo sa kanyang Sarah G Live! show nitong Linggo kung saan nanawagan siya sa mga kakabaihan na maghanap ng lalaking magmamahal sa kanila ng tapat at hindi babaero.

"Hindi maganda yung womanizer, huwag sa womanizer dapat maghanap tayo ng faithful," pambungad na pahayag ni Sarah sa mga manonood matapos niyang awitin ang "Womanizer" ni Britney Spears.

Kamakailan lang ay naging usap-usap ang 'di umano ay pagiging babaero ni Gerald Anderson matapos lumabas ang balitang nagdi-date na sila ng aktres na si Maja Salvador, ito ay  matapos ang naudlot niyang panliligaw kay Sarah.

Nang tanungin naman ni Robi Domingo si Sarah kung sino ba ang "womanizer" na kanyang tinutukoy, sumagot si Sarah na: "I think alam na nila 'yon, sorry. Itaas natin ang bandera ng mga babaeng nagmamahal ng totoo at mga babaeng sinasaktan, joke lang," ani Sarah na halatang nagpigil na ng emosyon matapos nang matinding hiyawan ng mga manonood.
 
Sa huli, pagkatapos ang makahulugang awitin na "Take A Bow," humingi ng dispensa si Sarah sa kanyang mga binitiwang pahayag.

"Pasensiya na po for misbehaving, pasensiya na po at hindi ko po napigilan ang sarili ko. Pasensiya na po."