• Home
  • Fresh Scoops
  • Enrique Gil believes he is a better actor now but says he will continue to learn more

Enrique Gil believes he is a better actor now but says he will continue to learn more

Enrique Gil says that he tries to give his best in every acting project he gets.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/16/2013 9:37 AM
Enrique Gil believes he is a better actor now but says he will continue to learn more


011613-enrique_main.jpgPapalapit na ang pagtatapos ng Princess And I na pinangungunahan nina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, at Daniel Padilla. Kapansin-pansin din ang mahusay na acting ni Enrique sa papel na Jao sa nasabing teleserye. Sa takbo ng istorya ngayon, medyo naging seryoso ang role ni Enrique.

Siyempre kung pagod ka, dun mo na lang dinadala,” kwento ni Enrique. Medyo hectic daw kasi ang taping nila at nagagamit niya to his advantage ang kapagurang iyon sa role niya. Halimbawa raw ay ang tatlong araw na sunud-sunod na pagtatrabaho at maraming iniisip kaya nailalabas niya ito sa pagkatao ng kanyang karakter.

Natutuwa raw siya kapag naa-appreciate ng mga manonood ang improvement niya sa pag-arte. “Masaya. ‘Di mo nano-notice pag ginagawa mo pero after a while ‘di mo pa alam na okay ‘yung ginagawa mo, ‘yung mga tao nahuhusayan sa ginagawa mo,” paliwanag niya. “Dapat lang [na husayan mo] kasi inilagay ka sa show na ‘yon eh, galingan mo. Kapag ‘di mo hinusayan parang ‘di mo ina-appreciate ‘yung trust sa ‘yo. So ‘yun bigay mo lahat.”

Naniniwala rin si Enrique na mas mahusay na siyang aktor ngayon. “But I’m constantly learning. You always learn. You cannot stop learning kahit sobrang tagal mo na, kahit beterano, each time they act, you learn. Imposible ‘yung alam mo na lahat. Di mangyayari ‘yon.

Ani Enrique, mayroon daw siyang nabalitaan na pagkatapos ng Princess And I ay posibleng isang drama project naman ang kanyang gagawin pero iyon ay kailangan pang ayusin. Balak daw niya na magpahinga pagkatapos ng kanyang ongoing teleserye.