• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson: 'Kung bibigyan po ako ng chance ni Maja, I'd love to get to know her better'

Gerald Anderson: 'Kung bibigyan po ako ng chance ni Maja, I'd love to get to know her better'

The actor says that he intends to do the things that will make him happy regardless of other's opinion of him.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/15/2013 9:46 AM
Gerald Anderson: 'Kung bibigyan po ako ng chance ni Maja, I'd love to get to know her better'


011513-gerald_main.jpgHumarap si Gerald Anderson kay Boy Abunda sa The Buzz para sa isang interview hinggil sa mga isyung kinasasangkutan ngayon ng binata. Kasalukuyan na namang under fire si Gerald dahil sa pagkaka-link niya kay Maja Salvador, na best friend ni Kim Chiu, na former girlfriend ni Gerald. 

Sa press conference kamakailan ng Book 2 ng Ina Kapatid Anak, na kinabibilangan nina Kim at Maja, ay sinabi ni Kim na dahil sa nangyaring pagkakamabutihan nina Maja at Gerald ay nasayang ang pagkakaibigan ng dalawang aktres. 

Sa interview ni Boy kay Gerald, binuksan ng King of Talk ang pag-uusap sa isang biro na sangkot na naman si Gerald sa intrigang may kinalaman sa pag-ibig. Tanong ni Boy kay Gerald, kung hindi na ba siya naaapektuhan sa tuwing ito ang nagiging paksa tungkol sa kanya. Mabilis na sagot ni Gerald, hindi raw siya masanay-sanay pero sa tuwing haharap siya sa intriga, mas nagiging matibay na umano siya kesa sa naunang intrigang hinarap. 

Pinag-usapan ng dalawa ang Misibis date na nangyari sa Albay. Kinumpirma naman ni Gerald ang lahat ng naunang sinabi ni Maja tungkol sa una nilang pagsasamang iyon. Nagkasama sila ni Gerald na isang promotion sa Davao sa kanilang previous movie na 24/7 In Love. Iminungkahi ni Maja kay Gerald ang Misibis ay  magandang puntahan. Nang magkaroon ng plano si Maja kasama ang kanyang mga pinsan na pumunta sa Misibis ay niyaya niya si Gerald. Pumayag si Gerald at niyaya naman niya ang kanyang mga kaibigan at doon ay nagsama ang kanilang grupo at nag-bonding.

Tinanong ni Boy si Gerald kung nililigawan na ba niya si Maja. Nagpaliwanag naman ang aktor kung paano niya napagtanto na may gusto na siya kay Maja. Nang magpunta umano sila sa Misibis, hindi pa umano sila close ni Maja at ang pagkakataong iyon ang nagsilbing paraan para makilala nila ang isa’t isa. “Parang nakita ko sa kanya na parang, wow, parang masaya siyang kasama,” lahad ni Gerald kay Boy. “Charming, mabait, nage-enjoy ako na kasama siya. When we came back, being single and matagal na rin po akong single, and siya din single siya, at that time, kumbaga parang ano’ng masama kung yayain ko siyang lumabas or anong masama kung pwede kaming magkaroon ng pagkakataon na makilala namin ang isat-isa?

Sa madaling salita, nagbabalak na si Gerald na ligawan si Maja, subalit bago pa man daw niya ito isagawa ay naunahan na ito ng mga intriga, akusasyon at paninira. “It got blown out of proportion again,” ani Gerald. “Di pa kami nagdi-date, 'di pa kami lumabas na kami lang dalawa. Yeah, I would love to (court Maja) kung bibigyan niya ako ng chance. Kung bibigyan po ako ng chance ni Maja, I’d love to get to know her better, na mas makilala namin ang isat-isa,” diretsong sagot niya.

Narinig din daw niya ang kwentong nagpaalam si Maja kay Kim at para kay Gerald, iyon ay indikasyon ng pagbibigay respeto sa isang kaibigan. Alam din daw ni Gerald na sensitibo ang sitwasyon.  

Sa kabila man daw ng tila pagkakalabuan ng pagkakaibigan ng dalawa, umaasa naman ni Gerald na malalampasan ng magkaibigan ang pagsubok na ito dahil matured naman mag-isip ang dalawa. 

Tatlong taon na raw silang hiwalay ni Kim at sa mahabang panahong iyon ay naging masaya siya para sa dating girlfriend. Sa naunang pahayag ni Kim na alam ni Maja ang tungkol kay Gerald, sinabi ni Gerald na may kanya-kanya tayong opinion sa mga tao at iyon ay opinion ni Kim sa kanya. 

Kung meron man daw siyang gustong sabihin sa sarili, ito raw ay ang maging masaya sa lahat ng aspeto ng buhay. “Kumbaga ako as a person gusto ko lahat ng tao sa paligid ko gusto ko masaya,” paliwanag ni Gerald. “I do everything para kumbaga mangyari ‘yon and ginagawa ko rin ‘yon para sa mga taong di ko kilala and that feeling is the best feeling in the world.”  

Dagdag pa niya nagkaroon daw sila ng maayos na closure ni Kim dahil nagkausap sila nang maayos. 

Napaka-positive din ng sagot ni Gerald nang tanungin ang mensahe para kay Maja. “Alam n’yo po mas malakas sa akin ‘yon eh. Siguro sa pamilya niya, sa mga taong na sa paligid niya, sa pamilya ko; I’m sorry na dahil lang may nagustuhan akong isang babae, everything is being blown out of proportion. Madaming nadadamay pero mensahe ko lang stay strong, lilipas din ‘to and magiging mabuti tayong tao after this.”  

Sa kabila raw ng nangyaring ito ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagligaw kay Maja. “Tulad ng sabi ko kanina, 'di na po ako bata. I’m making decisions on my own, mali man yon, tama, paninindigan ko. Siguro pag nahanap ‘yung tunay na happiness is when you forget about the opinion of the people na di mo naman kilala. Siguro just stay strong.”