Sinimulan na rin umano ni BB ang proseso ng sexual reassignment o sex change. Sa ngayon daw ay kumukunsulta siya sa isang psychologist to make sure na handa na siya. “More on psychological nga eh, psychological thing is a long process. There was a time na minamadali ko (ang sex change). Ang ano sa ‘kin, take it easy, darating sa punto na ‘yon.”
Recently rin sa press conference ng upcoming teleserye ni Robin Padilla, mas optimistic ang aktor ngayon sa kanyang mga binitawang salita pagdating sa kapatid na si BB. Alam naman ng lahat na 'di sang ayon ang pamilya nina Robin sa pagpapalit ng kasarian ni BB, pero ani ng action superstar recently ay wala raw kailangang maganap na reconciliation sa kanila dahil kapatid niya si BB at may respeto ito sa kanya.
Umaasa rin ni BB na magkaayos silang magkapatid. “Kung meron akong hope na magkaayos-ayos, isa ‘yon kasi nakaka-miss ang mga family reunions na 'di nangyayari ever since na nagkaroon ng gap na ganito. I know there will come a time na magsi-sink in din sa kanya ‘yung mga pangyayari,” ani BB na dating kilala bilang aktor na si Rustom Padilla.