Vice Ganda says 'no' to Sisterakas 2

The comedian says he's declining a sequel to the movie because of Kris Aquino.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/12/2013 2:23 AM
Vice Ganda says 'no' to Sisterakas 2


011213-vice_main.jpgSa kabila ng tagumpay ng "Sisterakas" sumang-ayon si Vice Ganda sa kanyang co-star at kaibigan na si Kris Aquino na hindi na dapat pa magkaroon ng part 2 ang kanilang pelikula.

Ayon kay Vice, hindi din mabubuo ang pelikula kung hindi nila makakasama ni Ai Ai delas Alas si Kris.

Matatandaang una nang nagsabi si Kris na hindi niya nais pa magkaroon ng sequel ang "Sisterakas." (https://twitter.com/krisaquino214/status/283950035589283841)

"No. Kasi ayaw na niya (Kris)," ani Vice.

Ayon sa komedyante, mas pipiliin nila ni Kris na magsama-sama muli sila sa isang bagong pelikula lalo't alam nila na hindi na gusto ng mga Filipino ang paulit-ulit na istorya.

"Hindi part 2 kung magsasama-sama man kami ay sa ibang material na, para hindi paulit ulit. 'Yun ang napatunayan namin dito ayaw ng Filipino ng paulit-ulit,"  ani Vice.

Kamakailan lang ay tinalo na ng "Sisterakas" ang pelikula ni Vice na "The Unkabogable Praybeyt Benjamin" bilang highest grossing local film.

Sa ngayon ay busy na si Kris sa paggawa ng seryeng "Kailangan Ko'y Ikaw."