Sam Milby admits going out with Shaina Magdayao

The actor says he and Shaina are just at the 'getting to know you' stage.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

1/11/2013 2:56 PM
Sam Milby admits going out with Shaina Magdayao


011113-sam_main.jpgTinuldukan na ng aktor na si Sam Milby ang balitang may relasyon na sila ng aktres na si  Shaina Magdayao. Pag-amin ni Sam, totoong lumalabas na sila ni Shaina at nasa estado sila kung saan mas kinikilala pa nila ng mabuti ang isa't isa. "Hindi po totoo na kami na. Honest ako sa mga kaibigan ko, sa lahat na, may crush ako sa kanya, paghanga sa kanya. But in terms na item kami or kami na, wala pang ganyan. Friends lang kami ngayon. [We are hanging out] kasama ang mga kaibigan niya. Never kaming lumabas na kami lang dalawa. Ayaw ko namang sabihin kung ano ang mangyayari basta friends kami muna," ani Sam sa press conference ng pinakabago nitong seryeng Kahit Konting Pagtingin, kung saan makakasama niya bilang bagong leading lady ang singer na si Angeline Quinto.

Ayon pa kay Sam hindi pa din masasabi na nililigawan na niya ngayon si Shaina. "Hindi pa naman. Minsan nagte-text kami. Gusto ko siyang makilala para malaman kung liligawan ko siya o hindi."

Sinabi ni Sam dati na siyang may paghanga kay Shaina at mas naging close sila nitong Disyembre lang. 
 
Inamin din ni Sam na nagpaalam siya sa kaibigang si John Prats, dating nobyo ni Shaina.  "Siyempre best friend ko 'yon so I want to make sure na kung sakaling manliligaw ako kay Shaina ay okay sa kanya. Best friend ko siya at kahit dati noong may paghanga ako kay Shaina, sinabi ko sa kanya. I'm very honest person," paliwanag ni Sam.