• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli on ex-girlfriend Maja Salvador's love life: 'If she's happy, that's alright'

Matteo Guidicelli on ex-girlfriend Maja Salvador's love life: 'If she's happy, that's alright'

Matteo Guidicelli explains that he can only be supportive of ex-girlfriend Maja Salvador's love life.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

1/10/2013 10:08 AM
Matteo Guidicelli on ex-girlfriend Maja Salvador's love life: 'If she's happy, that's alright'


011013-matteo_main.jpgSa isang recent interview, tinanong si Precious Hearts Romances: Paraiso star Matteo Guidicelli kung siya ba ay buo na ang puso niya pagkatapos ng kanyang breakup with former girlfriend Maja Salvador last year. “I guess it’s buo. What I can say? ‘Yung nangyari sa amin ni Maja I learned a lot. I’m using it in my work and in my life now. Lots of experiences talaga na it counts a lot,” kwento ni Matteo.

Itinanong din sa actor kung ano ba ang natutunan niya sa relasyong iyon na nauwi rin sa hiwalayan. “Love, don’t rush it,” mabilis niyang tugon. “Even though you have the right love and at the wrong time.”

Ang isa sa mga dahilan noon ni Maja kaya hindi nag-work ang relasyon nila ay dahil sa kakulangan umano ng oras ni Matteo sa dating ex-girlfriend niya kaya tinanong si Matteo kung sa susunod ba ay maglalaan na siya ng sapat na oras sa karelasyon. “It really depends, if a girl talagang swak basta no rush. It can always wait.”

Nali-link ngayon si Maja sa ibang actor, una ay kay Piolo Pascual nang makita ang picture na tila maghahalikan sila ni Piolo, at more recently nga ay kay Gerald Anderson na sinasabing nagkakamabutihan na umano ang dalawa.  Ano kaya ang reaksyon dito ni Matteo?

Basta masaya siya, okay lang, walang problema. I’m just supportive of her. If she’s happy, that’s alright. She’s a smart girl and I think she knows what to do.”

Samantala, sinabi rin ni Matteo na gumaganda ang pagkakaibigan nila ngayon ng kanyang leading lady na si Jessy Mendiola na katambal niya sa teleseryeng Paraiso sa hapon sa ABS-CBN.