Itinanong din sa actor kung ano ba ang natutunan niya sa relasyong iyon na nauwi rin sa hiwalayan. “Love, don’t rush it,” mabilis niyang tugon. “Even though you have the right love and at the wrong time.”
Ang isa sa mga dahilan noon ni Maja kaya hindi nag-work ang relasyon nila ay dahil sa kakulangan umano ng oras ni Matteo sa dating ex-girlfriend niya kaya tinanong si Matteo kung sa susunod ba ay maglalaan na siya ng sapat na oras sa karelasyon. “It really depends, if a girl talagang swak basta no rush. It can always wait.”
Nali-link ngayon si Maja sa ibang actor, una ay kay Piolo Pascual nang makita ang picture na tila maghahalikan sila ni Piolo, at more recently nga ay kay Gerald Anderson na sinasabing nagkakamabutihan na umano ang dalawa. Ano kaya ang reaksyon dito ni Matteo?
“Basta masaya siya, okay lang, walang problema. I’m just supportive of her. If she’s happy, that’s alright. She’s a smart girl and I think she knows what to do.”
Samantala, sinabi rin ni Matteo na gumaganda ang pagkakaibigan nila ngayon ng kanyang leading lady na si Jessy Mendiola na katambal niya sa teleseryeng Paraiso sa hapon sa ABS-CBN.