• Home
  • Fresh Scoops
  • KC Concepcion receives a star for a gift from her new admirer

KC Concepcion receives a star for a gift from her new admirer

The actress-host admits that her French suitor inspires her these days.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/9/2012 11:09 PM
KC Concepcion receives a star for a gift from her new admirer


091012-kc-main.jpgNakatagpo na ba finally ng bagong pag-ibig si KC Concepcion? Sa The Buzz kahapon ay tinalakay ang lalaking idini-date sa kasalukuyan ng host-actress. A few weeks ago ay nakita sa mga larawan ang isang foreign guy na kasama ni KC sa Boracay. Sa live performance night din recently sa X Factor Philippines, kung saan host si KC, ay namataan din ang parehong lalaki. Siya rin daw ang kasama ni KC sa dinaluhan niyang recent birthday party. 

Kinilala ang lalaki bilang si Pierre Emmanuel Plassart, isang French photographer at filmmaker na anak ng dating may-ari ng isang supermarket empire. Si Pierre ay very active ngayon sa mga film festivals. Sinasabing nagkakilala umano ang dalawa sa isang international event. Sa recent interview ng The Buzz kay KC, inamin ng aktres na isang visitor umano niya si Pierre. 

Nang tanungin kung espesyal ba si Pierre sa buhay niya ngayon, ang sagot ni KC, “Espesyal naman ‘yung mga taong itinuturing akong espesyal. I appreciate that naman. Malaking bagay para sa akin ‘yung pumunta siya dito sa bansa natin para bisitahin ako (at) puntahan ako kung nasaan ako kahit na ang layo-layo ng pinanggalingan niya.” 

Isa ring hindi inaasahang regalo ang ibinigay ni Pierre kay KC. “Nagbigay siya ng star. Nasa Boracay kami. We were looking at the sky sabi niya first time daw niyang makita ‘yung mga star sa sky sa beach dito sa Philippines. Sabi niya one of those is yours. Sabi ko, ‘What?’ Hindi ko maintindihan. Parang binili niya ‘yung star for me. So may isang star dyan na nakapangalan sa akin daw and may certificate ‘yon, constellation kung saan naka-locate ‘yung star. First time. Never pa akong nabigyan ng star,” mahabang paliwanag niya. Ang nasabing pagbili ng star ay serbisyong ibinibigay ng International Astronamical Union at International Observatories like Sydney Observatory.

Ani KC mahirap daw na hindi magustuhan si Pierre dahil napaka-sweet nito at "totoong tao" at ito ang isa sa kanyang inspirations ngayon. Sa posibilidad na magkatuluyan sila ni Pierre, ang sagot ng aktres, “Let’s see. Hindi naman ako nagmamadali. Ito ‘yung time na gusto kong magpaka-busy sa work kasi marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong gustong i-achieve sa trabaho.” 

Nang sabihin na tila buhay na buhay ang kanyang love-life ngayon ang sagot ni KC, “Kumikinang-kinang!”