• Home
  • Fresh Scoops
  • Janelle Manahan dismayed over the dismissal of case vs Gail Bautista and husband

Janelle Manahan dismayed over the dismissal of case vs Gail Bautista and husband

Janelle also denies bribing the Revilla's lawyers.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/9/2012 10:44 PM
Janelle Manahan dismayed over the dismissal of case vs Gail Bautista and husband


091012-janelle-main.jpgIkinadismaya ni Janelle Manahan ang pagkaka-absuwelto ng kasong isinampa nila laban kina Gail Bautista at sa asawa nitong si Takahiro Furuyama na itinuro ni Janelle na kabilang sa mga diumano’y posibleng may kinalaman sa pagkamatay ng kasintahan niyang si Ramgen Revilla. Sinasabi na mahina umano ang mga ebidensyang iniharap ng kampo ni Janelle sa mag-asawa. “Siyempre nainis, hindi naman ata fair na ganoon ang mangyayari pero in-expect ko na rin kasi from the very beginning talaga mayroon na ring nagsabi from the prosecutor's office na huwag na raw isama sina Gail,” pagbubunyag ni Janelle. Sinabi niya na sinabihan umano siya na ayos na raw ang mga nauna niyang kinasuhan at kawawa naman umano ang pamilya kung buong miyembro nito ay makasuhan lahat. Aapela umano sina Janelle sa naging desisyon ng korte at hindi pa naman final ang naging pasya sa naturang kaso.

Naghamon naman ang ina ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay at sinabing wala naman daw talaga silang kinalaman sa pagkamatay ng kanyang anak at wala raw silang dapat patunayan. “Pero dito dahil alam naming inosente kami at mapapatunayan na wala talaga kaming kinalaman, idinadawit lang kami sa isang sitwasyon na frame-up o set-up. Sa ngayon ayoko ng makita (ako) ng tao na umiiyak, gusto kong ipakita sa kalaban namin na malakas kami, nagkakaisa kami at lalaban kami.” Sinabi pa ni Genelyn na tinangka pa raw suhulan ang kanyang legal team ng milyon-milyong halaga subalit naging tapat sa kanya ang mga abogado nila.  

Itinanggi naman ni Janelle na may kinalaman siya sa akusasyon ni Genelyn na pagtangkang suhulan ang kanilang mga abogado. “Ang labo lang kasi saan manggagaling ‘yung nago-offer kasi definitely hindi sa aking side kasi I’m not up for something like that. Lagi kong sinasabi sana sa kasong ito hindi magamitan ng influence o ng money so imposible ako ang gumawa ng bribe na sinasabi niya.”