• Home
  • Fresh Scoops
  • Bianca Manalo denies alleged confrontation with dancer Sunshine Garcia

Bianca Manalo denies alleged confrontation with dancer Sunshine Garcia

The beauty-queen-turned-actress shares that she and ex-BF John Prats never talked about Sunshine, who is allegedly the cause of their split.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/9/2012 10:51 PM
Bianca Manalo denies alleged confrontation with dancer Sunshine Garcia


091012-bianca-main.jpgIkinuwento ni Bianca Manalo ang tunay na nangyari sa pagkakasalubong nila ng dancer na si Sunshine Garcia sa powder room sa Shang-ri La Makati City sa ginanap na Star Magic Ball noong nakaraang Sabado, September 1. Sinasabi kasing nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa. Si Bianca ay ex-girlfriend ni John Prats samantalang si Sunshine naman ay katrabaho ni John sa Banana Split at na-link ngayon sa aktor. 

“Actually, wala kaming problema talaga ni Sunshine until nung talagang naghiwalay kami ni John,” simula ni Bianca. “Lumabas ‘yung name niya pero in all honesty 'pag pupunta ako dati sa taping ng Banana Split we (would) talk. Binebeso ko naman lahat, tapos nagka-show din kami together sa Bacolod. Okay naman. Kaya lang nagulat ako nung nagkaroon ng issue pero ‘yung nangyari sa Star Magic Ball walang dedmahan na naganap.” 

Diniretsa ni Boy Abunda si Bianca kung naniniwala ba siyang may namagitan sa gitna ni John at ni Sunshine. “Wala po talaga akong alam. Nung kami pa ni John never naming napag-usapan si Sunshine, never naging issue between the two of us,”  sagot ng beauty-queen-turned-actress. Nilinaw rin niya na hindi statement ang pagpapagupit niya ng buhok at ito raw ay bahagi ng kasunduan sa kanyang endorsement na isang hair product.  

Sa ngayon ay hindi pa raw sila nagkakausap muli ni John pero umaasa rin siya na mangyayari ito sa tamang panahon. “Naniniwala ako na in time magkakausap kami ulit kasi marami kaming masasayang memories together, so tsine-cherish ko ‘yon. " Dagdag pa ng dalaga, sana raw ay maging magkaibigan din sila.

Sa ngayon daw ay masaya kahit single si Bianca at madalas na lumalabas kasama ang mga kaibigan at ang pamilya niya. Nagsilbi nga raw itong daan para maging sobrang close siya sa mga kapatid. Aniya, marami raw siyang nagagawa ngayong single siya at gusto muna niya itong i-enjoy. 

Sa larangan naman daw ng pagmamahal, hindi raw niya masasabi kung ready na raw siyang magmahal muli dahil naniniwala siyang hindi raw ito pinipili subalit malalaman pagdating ng tamang tao at tamang oras.