• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz explains why he never pursued a romance with Bea Alonzo

John Lloyd Cruz explains why he never pursued a romance with Bea Alonzo

John Lloyd Cruz says it's impossible not to fall for someone like Bea Alonzo, but he insists that 'it just didn't happen for us.'

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

9/6/2012 4:30 PM
John Lloyd Cruz explains why he never pursued a romance with Bea Alonzo


090612-jlc_main.jpgMismong si John Lloyd Cruz ang nagsabing nagkaroon siya ng romantic feelings para kay Bea Alonzo noon. Pero tila hindi lang talaga pinagtugma ng pagkakataon na lumalim pa sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon. “Hindi umabot sa ganon. I can only speak for myself. Sa loob ng sampung taon napakasinungaling ko naman kung sasabihin ko na at one point hindi ko siya nagustuhan. Hindi ko lang pinursue. It just didn’t happen,” paliwanag ng aktor.

Kinulit ng press si John Lloyd kung bakit hindi niya niligawan si Bea. Hindi kaya dahil nailang lang siya o kaya naman ay hindi available ang aktres noon? “Maraming factors. I really wanted to protect the tandem. Pwede natin sabihin yun. Pero alam naman natin, katulad ng palagi kong sinasabi, na love chooses you. Wala kang ibang magagawa but to surrender. So siguro, to be really honest about it, it just didn’t happen for us. Or hindi pa nangyayari.

Hindi kasi maipaliwanag kung bakit nag-click ang love team nila kahit na alam ng tao na hindi naman sila in love sa isa’t isa. Pero ayon kay John Lloyd, mas nagustuhan ng audience na hindi nila kinailangang gumawa ng gimik o kung ano pa man para lang suportahan sila. “Ang daming pwedeng sabihin. Pero sa loob ng sampung taon naging honest kami sa audience namin. Right now, hindi dahil may movie kaming ipapalabas, idya-justify namin bakit hindi naging kami. There's no other way to put it kung hindi pa siya nangyayari because mahirap magsalita ng tapos.”

Hindi rin naging madamot si John Lloyd sa papuri niya sa acting ni Bea sa pelikula nilang The Mistress. “Physically kitang-kita ninyo naman ang pagbabago sa kanya. Bukod dun, yung proseso niya bilang aktor, ibang iba. She has matured. She's hypersensitive. Ang bilis niya maapektuhan, ang bilis niya makaapekto. Ang galing niya umatake ng eksena. After our last movie Miss You Like Crazy, ang dami namin ma-i-offer sa isa’t isa. Kaya natutuwa ako sa collaboration naming ito.”

Natawa naman si John Lloyd sa hiling ni Bea na two-carat diamond earrings ang iregalo niya sa birthday nito sa October 8. Natatawa pa niyang ipinaliwanag kay Bea, “Ang mga jewelry, Bea, importante ito, makinig ka. Ang mga jewelry kapag ibinibigay ng isang lalaki sa isang babae, napaka-intimate nun. Sign of intimacy yun.” Hirit pa ni Bea, kahit hindi na raw magregalo sa kanya si John Lloyd for the next ten years basta ibili siya nito ng earrings. Naiiling na natatawang sagot ni John Lloyd, “Sinabi mo ‘yan ha?