• Home
  • Fresh Scoops
  • Denise Laurel opens up about the fulfillment of being a single mother

Denise Laurel opens up about the fulfillment of being a single mother

Denise Laurel says that she does not regret becoming a single mother.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/5/2012 9:09 AM
Denise Laurel opens up about the fulfillment of being a single mother


090512-denise_main.jpgNakapanayam ng Push.com.ph si Denise Laurel tungkol sa tagumpay ng kanyang teleserye Pintada. Aniya, “Ito talaga yung hinihintay ko, slowly but surely. Hindi ako nagmadaling tumanda, hindi ako nagmadaling bumata, yung sakto lang talaga. So lahat in God’s timing so nagpapasalamat talaga ako.”

At walang hanggang din ang pasalamat niya sa unang title role niya ito na ang lakas ng suportang natatanggap nito na nakikita sa ratings at pati ang pag-trend nito sa social networking site na Twitter. “Sobrang nagpapasalamat pa rin after all this time, after everything that has happened in my life, ang ABS nandito pa rin through everything, thick and thin so todo pasalamat pa rin and I love challenges so I work really really hard.”

Ipinaliwanag din Denise ang kanyang desisyun na hindi madaliin ang lahat sa kanyang karera. “Dati pinepressure ako ng mga tao na dapat gawin mo ito, dapat ganun ka na. Sabi ko, ‘No! Everything in God’s time.’ Ayaw ko naman mag-mature roles ng 16 so ngayon sakto, I’m 24 and I’m a lady and it’s the perfect time to be playing roles such as this.”

At sa mga nangyayari sa kanya ngayon, masasabi ni Denise na everything is falling into place pagdating sa kanyang personal at propesyunal na buhay. “Yes, super! Kaya nga sabi ko wala na akong hahanapin pa. Kumpleto na yung buhay ko. Solid yung pamilya ko, work family ko, my friends, my heart, my relationship with God solid so lahat perfect!”

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na isang single mother si Denise at nang tinanong ng Push siya tungkol dito, buong ngiti niya itong sinagot, “Happy! I mean sana nga kailangan ko pa ng more energy, kape ang katapat. I really want every waking moment devoted to my son and work because when I work it is also for him. So when I work I am thinking of him as an inspiration, siya pa yung nagbibigay ng inspiration sa akin, ng lakas to work even harder. Siya yung iniisip ko, siya yung goal ko.”

Mahirap man para sa iba ang kanyang kasalukuyang kalagayan, para kay Denise, “I don’t think it’s hard, I think it’s fun and exciting. For me siguro hindi siya mahirap kasi sakto lang siya sa buhay ko. Kasi dati ang dami kong energy, ngayon sakto lang. At least nakakatulog na ako, dati kasi di ako nakakatulog kahit wala akong work.”

At dahil sa nangyaring ito, inamin ni Denise na mas naging mabuti siyang tao, “I guess once you experience true love, love for my son, your eyes open to the world. Marami kang nakikita, marami kang natutunan, puno ang puso mo at dahil puno ang puso mo marami kang mashashare. Kaya yun.”

Kaya naman nang tanungin ng Push.com.ph siya kung ano ang pinakamatinding pinanindigan niya sa kanyang buhay, naging mabilis ang pagsagot ng dalaga, “My son! No matter what, I never, not once, not even a split second thought of not having him because I have always wanted to have children, always wanted to be a mom. I have so much love to give so the moment so when I found out I was so excited so pinandigan ko talaga yung anak ko kahit anong mangyari.