However, between mainstream and indie, mas pipiliin pa rin daw ng aktor ang mainstream. “Iba ang mainstream, but I’m always willing to help the indie film makers, lalo na pag may magandang istorya. Andirito ako to support indie film makers,” saad ni Cesar.
Isa pang itinanong sa mahusay na aktor sa press conference ng kanyang upcoming movie ay kung tatakbo ba siya sa darating na 2013 elections. “Hindi muna,” matatas na sagot ni Cesar. “Talagang wala akong planong tumakbo. Maraming nagi-invite sa akin, nagsa-suggest na pwede kang tumakbo but wala talaga kasi sa plano ko.”
Matatandaang noon ay tumakbo si Cesar sa Senatorial race subalit hindi siya pinalad na manalo. “Hindi ko sinasabing I’m closing my doors, pwede pang tumakbo pero hindi lang ngayon, gusto kong gumawa ng pelikula,” paliwanag niya.
Kung tatakbo man daw si Cesar, sisiguraduhin muna raw niyang ready talaga siya sa mga haharaping hamon. “Kailangan nasa puso ko rin at I have my own family already, siyempre kailangan sasang-ayon ang pamilya ko, siyempre sasang-ayon si Sunshine (Cruz, his wife), kailangan ‘di lang ako, hindi lang ako ang magdedesisyon.”
Maugong din kasi ang bali-balitang baka maging running mate siya ni Manila Mayor Alfredo Lim. “It’s not a bad idea. Honor sa akin ‘yon na maging running mate ni (Mayor) Lim pero kung ngayon ako tatakbo, papaano ko gagawin ‘yon sa dami ng movie assignments ko?” paliwanag ng aktor.
Nakapag-usap na raw sila ni Mayor Lim subalit tungkol daw ito sa gagawing pelikula kung saan isasa-pelikula ang buhay ng alkalde na gagampanan naman ni Cesar. “Nag-usap na kami tungkol d’yan sa movie [and] sabi niya ‘yun na muna pag-usapan namin and I respect that.”