• Home
  • Fresh Scoops
  • Hilda Koronel admits feeling nervous about her acting comeback

Hilda Koronel admits feeling nervous about her acting comeback

Even if she has been acting since she was 18, Hilda Koronel says she is anxious about returning to film via 'The Mistress.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/4/2012 8:44 AM
Hilda Koronel admits feeling nervous about her acting comeback


090412-hilda_main.jpgSa isa sa mga pambihirang pagkakataon, nakapanayam ng Push.com.ph ang primyedong aktres na si Hilda Koronel. Matapos ang pitong taong pamamahinga sa ibang bansa kasama ang kanyang pamilya, nagbabalik siya sa pag-arte sa pelikulang The Mistress.

Inamin din ni Hilda na kahit madami siyang natatanggap na alok upang magbalik-telebisyon at pelikula, hindi siya basta-basta tumatanggap ng proyekto. Aniya para tanggapin niya ang isang proyekto, “It has to be touching, it has to move me. Pag binabasa ko yung script na yan kailangan nararamdaman ko yung emotion na tumatakbo dun sa script lalo na yung mga dialogue. Kailangan habang sinasabi ko yun maiiyak ba ako o hindi, something like that, nararamdaman ko dapat.” At sa pelikulang ito napapayag siya sa kadahilanang, “Maganda siya, maganda. You have to see the lines. Nakita mo naman, marami diyan ginagaya na ng mga tao. ‘Tagalog yan para maintindihan mo.’ (laughs) Nanlalait nanaman ako dito.”

Nakita din ito ni Hilda na pagkakataon para makasama niya muli ang mga nakatrabaho niya noon. “It was Direk Olive (Lamasan), it was Star Cinema and then the script was really beautiful. I have John Lloyd (Cruz) and Bea (Alonzo) and Ronaldo (Valdez) who I have worked with before na matagal na and it was everything else din.”

Dagdag din ng aktres na nakadagdag ang personal niyang pakay dito sa bansa para tanggapin na rin ang proyekto. “Uuwi ako so I have the chance din to see my kids who are still here. May dalawang anak pa ako dito so it was like a great vacation.”

Ito ang unang pagkakataon na nakasama ni Hilda si John Lloyd at Bea sa pelikula ngunit nakasama niya na ang dalawa sa telebisyon at ayon kay Hilda kapansin-pansin ang laki ng ginaling at pinagbago nila sa pag-arte lalo na kay John Lloyd. “I mean malaki na talaga ang inimprove niyan since the last time I saw him. Si Bea hindi ko masyadong nakasama sa eksena, they are both good naman. Wala naman akong masasabi sa kanila, they are both good.”

At sa kanyang pagbabalik hindi na rin maiwasan pag-usapan kung may kaba pa ba siyang nararamdaman kahit na halos buong buhay niya ay inilaan niya sa pag-aartista at pag-arte. “Yeah, meron, meron. Kahit ganito ka na katagal merong, ‘Uhmm okay I hope maggawa ko ito ng maayos talaga,’ because ang expectations ng lahat is just so high right? So I just did the best I could so hopefully magandang lumabas.”

Ang pelikulang Insiang ni Hilda Koronel noong 1976 ang nagtatak sa kanya bilang isa sa pinakamagaling na aktres noon maging sa kasalukuyan. At hanggang ngayon, kilala pa rin siya sa karakter na ibinigay sa kanya ng direktor na si Lino Brocka. At dahil dito nakakaramdam ba siya ng konting hirap na makaalis sa imaheng ito? “Ang nakakatawa lang minsan is they expect you to be ganun pa rin kahusay nung disi-otso ka. I mean I was 18 when I did that right so parang ineexpect nila na, ‘Ay ganyan pa rin yan! Si Ms. Insiang pa rin yan e,’ pero minsan, ‘Oh my God matanda na ako sandali lang ha,’ lumalaban pa rin but we try our best.”

At sa pagbabalik-pelikulang ito ni Hilda, maraming aabangan. “Well makikita nila, same kind of acting, same intensity at yung mga fans diyan gustong-gusto nila yung mga confrontation scenes na ginagawa ko madalas kahit sa mga teleserye. We have a ton of those in these film so aabangan talaga ng mga die hard ito, may confrontation sa lahat.

Catch The Mistress showing on September 12 in theaters nationwide.