• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano has no idea about the issue his and Jennylyn Mercado's relationship is on the rocks

Luis Manzano has no idea about the issue his and Jennylyn Mercado's relationship is on the rocks

The actor-host reveals that he and Jennylyn are planning to take a vacation together really soon.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/30/2012 11:36 PM
Luis Manzano has no idea about the issue his and Jennylyn Mercado's relationship is on the rocks


100112-Luis_main.jpgTila hindi apektado si Luis Manzano sa mga lumabas na balita-balita kamakailan na nagkakalabuan na sila ni Jennylyn Mercado. Nadawit kasi si Jennylyn sa hiwalayang Paolo Contis at Lian Paz at sinasabing si Jen umano ang third party. Pero kinlaro naman ni Paolo na walang kinalaman si Jen sa hiwalayan nila ni Lian. 

Paliwanag ni Luis kahapon sa The Buzz, never nilang napag-usapan ni Jennylyn ang tungkol sa isyu. Itinanggi rin niya ang isyung binura na niya ang mga pictures nila ni Jen sa social networking sites na Facebook. “Definitely not, ni isang picture wala pa akong binubura mula sa Facebook,” paniniyak ng actor-host. 

Inamin din ni Luis na tinawagan niya si Lian para magtanong hinggil sa isyu dahil ang dating member ng isang dance group ang unang nagsalita sa paghihiwalay nila ni Paolo. 

Sinabi ni Luis na wala siyang ideya kung saan nagsimula ang isyung nagkakalabuan na sila ni Jen.  “I have no idea. Some things are blown out of proportion,” paniniwala ni Luis. Dagdag pa niya, marahil na-link ang kanyang girlfriend kay Paolo dahil nagkasama sila sa isang teleserye noon sa kabilang network.

Samantala, inamin din ni Luis na balak nilang magbakasyon ni Jennylyn. “Hopefully soon. We’re leaving once again for a very quick vacation (that) we deserve naman,” aniya. 

Samantala, panlimang movie na pagsasamahan na nina Luis at Vice Ganda ang upcoming Star Cinema film na This Guy’s In Love With You, Mare kung saan kasama rin si Toni Gonzaga. “Sabi ko nga kami ni Vice lalabanan namin ang John Lloyd (Cruz)-Bea (Alonzo) tandem, malapit-lapit na… magkaka-special na kami very soon,” pagbibiro ni Luis. 

Isang pribilehiyo raw para sa kanya na makatrabaho sina Toni at Vice na dalawa sa hinahangaan niya sa industriya. “The two people I look up to whether it be hosting or sa comedy. Isa kayo sa mga idolo ko, so put the three of us together and unbelievable captain of the ship na si Direk Wenn (Deramas), how can you say no to something like this?”

Hindi rin daw problema sa kanya na naging love interest niya sa pelikula si Vice Ganda kung saan ang role nila ay lovers. “I am very secure (with my sexuality) and it also helped that I did In My Life (with John Lloyd and mom Vilma Santos), which was a gay character, so kahit pano dun pa lang I was able to step out (of my comfort zone). Nasi-stereotype na ako sa ganung character but very different projects; that’s drama this is comedy,” ani Luis.