• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolo Revilla says he will talk about Jodi Sta. Maria in time

Jolo Revilla says he will talk about Jodi Sta. Maria in time

The actor-politician says he wants to keep his love life private.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/30/2012 11:52 PM
Jolo Revilla says he will talk about Jodi Sta. Maria in time


100112-Jolo_main.jpgMatipid ang mga sagot ni Jolo Revilla kapag natatanong siya tungkol sa napapabalitang girlfriend niya na si Jodi Sta. Maria. “Ibalato n’yo na lang sa akin ‘yon,” ang sagot niya nang direkta siyang tanungin ng The Buzz. Sa tanong kung inspired ba siya ngayon, ang kanyang maiksing tugon ay, “Yes.”

Sinabi ni Jodi noong nakaraang linggo na special sa kanya si Jolo at nang kunan siya ng reaksyon, ang kanyang paiwas na sagot, “Basta. Kita n’yo naman.” 

Sa isa pang event ay sinubukan ng The Buzz team na itanong sa kanya kung bakit iniiwasan niya ang mga tanong hinggil sa kanila ni Jodi, ang dahilan ng actor-politician, “Hindi naman ako nagiging mailap. Ang masasabi lang natin d’yan kumbaga ibalato n’yo na sa akin ‘yon. Irespeto n’yo ‘yon and the right time will come na mapag-uusapan natin.” Gusto lang daw talaga niya na gawing  pribado sa ngayon ang kanyang buhay pag-ibig.

Ayon naman sa kanyang ina na si Lani Mercado, ang payo niya sa kanyang anak ay gawing private ang kanyang buhay-pag-ibig. “Kung anuman ‘yung pagbatikos sa kanyang love-life gawin niyang pribado dahil alam ko darating ang panahon na sasabihin at sasabihin ang totoong sitwasyon. Di naman itinatago, ano lang, he’s just being careful with his heart.” Ayaw raw nila ni Sen. Bong Revilla na panghimasukan ang pribadong buhay ng kanilang anak at naniniwala silang nasa tamang edad na si Jolo para magdesisyon para sa kanyang sarili.

Samantala, sinabi rin ni Lani na matagal na silang magkakilala ni Jodi at magkasundo silang dalawa. “Matagal ko nang kilala si Jodi. Masyado na yatang giveaway ito,” ani Lani. “Matagal ko na siyang kakilala. Parehas kami ng ugali. Ang masasabi ko lang thank you sa pagsuporta niya kay Jolo sa lahat ng larangan; mapa-showbiz at mapa-pulitika. I know what’s in her heart. I just pray for her.”