• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz: 'Ang tagal kong hindi naging ganito kasaya'

John Lloyd Cruz: 'Ang tagal kong hindi naging ganito kasaya'

The versatile actor explains that being in a relationship with Angelica Panganiban 'needs better timing.'

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/3/2012 12:11 PM
John Lloyd Cruz: 'Ang tagal kong hindi naging ganito kasaya'


090312-jlc-main.JPGSa The Buzz kahapon ay nagsalita na si John Lloyd Cruz hinggil sa kontrobersyal na diumano’y relasyon nila ni Angelica Panganiban. Dito ay ipinagtanggol ng aktor ang kung anumang namamagitan sa kanila ni Angelica at nagbigay ng kanyang saloobin sa mga kritiko nila ng aktres. 

Ang mga unang pahayag ng aktor ay bilang sagot sa mga taong wala umanong pakundangan sa pagbibigay ng opinyon nila hinggil sa kanila ni Angelica. “Nakakatawa minsan kapag nakakarinig ka sa ibang tao, as if alam nila kung ano ang pinagdadaanan mo, pinagdadaanan n’yo. All out, give na give ang pagbibigay ng komento, ng opinyon hanggang sa punto na kung ano ang perception nila, ang opinyon nila, unti-unti nabubuo, ‘yun na ang totoo sa kanila, nakakatawa lang. Nakakatawa na minsan nakakairita, minsan nakakapikon, but mostly nakakatawa,” ani John Lloyd. 

Ipinaalala ni John Lloyd na ang pagbibigay ng opinyon ay nakakaapekto sa mga nakakarinig hanggang sa hindi na ito makontrol at tuluyan nang kumalat. Dapat din daw isaisip ng mga tao na, “In the end you have to realize na hindi ito parte ng mga buhay ng mga taong ito. Ano ang alam n’yo para makapagbuo kayo, para makapagkalat kayo ng opinyon n’yo? Nakakatawa lang.” 

Nauunawaan daw ni John Lloyd na lahat naman ay may layang magbigay ng opinyon pero kailangan din ay malaman ng mga tao kung hanggang saan ang kanilang limitasyon. “Sometimes we forget na oo nga pala, wala pala ako dun. Wala pala ako dun sa relasyon nila. Wala pala ako sa buhay nila. Hindi ko talaga alam kung ano’ng tunay na nangyari. Kasi feeling ko parang ‘yung ibang tao they have to be reminded (na) dahan-dahan lang po sa pagbibigay ng opinyon. Unang-una wala naman kayo do’n and ako isa sa mga natutunan ko, pagkatapos kong na-realize ‘yon. ‘Yung sa akin mismo naging maingat akong magbigay ng opinyon tungkol sa ibang tao. Naging maingat akong magbigay ng komento, especially judgment. Ang tao ang bilis magbigay ng judgment. Dahan-dahan lang. Ang totoo kasi wala ka namang pinanghahawakan.” 

Pagpapatuloy pa ni John Lloyd mahilig daw kasi ang mga Pilipino na pag-usapan at halungkatin ang buhay ng ibang tao at nakapagbibigay sila ng mga komento at opinyon na madaling paniwalaan ng iba na maaaring hindi naman totoo. “Ang tingin ko sa Pinoy, kung ano pini-feed mo, i-feed mo nang i-feed, nababasa nila everyday, ‘yun ang papaniwalaan nila,” paliwanag niya.  

Naging kontrobersyal ang Instagram photos na naipaskil nina John Lloyd at Angelica na tila pag-amin nila na may namamagitan nga sa kanila. Sa pahayag ni John Lloyd tila ipinapaalam niya na masaya siya sa piling ni Angelica subalit ayaw niya itong kwestiyunin ng iba dahil sa may pelikula siyang ilalabas. “Ang pinanggagalingan ko, for something this special ayoko itong isabay sa promo ng pelikula ko, it deserves a better timing. Hindi naman tanga ang mga manonood. Opo wala po akong sinasabing iba, ang sa akin lang, ‘yung sa amin gusto kong bigyan ng pagpapahalaga. Ang tingin ko karapat-dapat para sa amin. Pangit kasing sasabay pa namin dito, sasabay pa namin sa Star Magic Ball. Tsaka respeto rin para sa celebration para sa ika-10 taon namin ni Bea (Alonzo), may kanya-kanyang timing. 

Nang tanungin siya nang direkta ni Boy Abunda kung masaya ba siya ang nakangiting sagot ni John Lloyd, “Ang tagal kong hindi naging ganito kasaya, ang tagal-tagal.”