Jessy Mendiola admits she and JM de Guzman are 'happy'

After their previous misunderstanding, Jessy Mendiola says she and JM de Guzman now okay.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

9/29/2012 1:54 AM
Jessy Mendiola admits she and JM de Guzman are 'happy'


092912-jessy_main.jpgIsa si Jessy Mendiola sa mga kapamilya young stars na nakatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS Awards na kumikilala sa kanya bilang ehemplo para sa mga kabataan. At para kay Jesse, “Oo nga role model daw sabi nila. Sana nga mapagpatuloy ko ang pagiging role model ko sa kanila.”

Marami din ang nagulat nang mag-host si Jessy sa kagaganap pa lamang na 2012 UAAP Cheerdance. “Kinabahan ako. First, hindi ko alam na ako pala ang magho-host ng buong event pero sobrang masaya naman ako na nabigyan ako ng chance mag-host ng UAAP. Sobrang daming tao ng tao, mixed reviews, mixed comments yung mga nareceive ko. Yung iba good for a first timer, yung iba huwag ko na daw ulitin.”

At ang kanyang sagot sa mga negatibo at hindi magagandang reaksiyon ng mga manonood sa kanyang pagho-host, “Tanggap ko naman yun and I cannot please everyone naman and it is my first time. I guess everything has to start with something, right?” Dagdag pa ng dalaga kung sakaling mabigyan muli siya ng pagkakataon, gusto niyang makapag-host muli, “I think I need more practice and I am not closing my doors on opportunities like that. Yes, I will do it again.”

Napunta rin ang usapan sa kanila ng kanyang manliligaw na si JM de Guzman kung tuloy pa rin ba ang panliligaw sa kanya. “I’d like to believe that way, I guess.” Nang kamustahin ng Push.com.ph silang dalawa, ang matipid na sagot ng dalaga, “Masaya din, masaya naman.”

At nang matanong kung kailan niya ba sasagutin ang binata, walang sinagot na eksakto ang dalaga. “Actually yun din ang tanong niya sa akin, tanong ko nga din sa sarili ko at yun din ang tanong ng bayan.”

Pinatunayan din ni Jessy na matapos ang hindi pagkakaintindihang nangyari sa kanila noon, maayos na ang dalawa ngayon. “As in wala nang issues at all, wala na. Sabi ko nga dati nung nagsalita siya sa TV sumama loob ko kasi wala man lang heads up na magsasalita ka pala ng ganun pero ngayon it just comes with time and I am very much happy with my career now and the people I work with.” 

At sa kung malakas ba ang pag-asa ni JM, “Oo naman, siyempre.”