• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Dantes on ex-girlfriend Karylle's sexier look: 'Mabuti para sa kanya'

Dingdong Dantes on ex-girlfriend Karylle's sexier look: 'Mabuti para sa kanya'

Dingdong Dantes says that he and ex-girlfriend Karylle didn't greet each other at a recent fashion show.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

9/29/2012 1:58 AM
Dingdong Dantes on ex-girlfriend Karylle's sexier look: 'Mabuti para sa kanya'


092912-dingdong_main.jpgNoong nakaraang Bench Universe Fashion Show ay parehong rumampa ang dating magkasintahang sina Karylle at Dingdong Dantes. Marami ang nakapansin sa malaking pagbabago kay Karylle at isa siya sa mga nakaagaw ng pansin dahil sa kanyang kaseksihan.

Sa press conference ng kanyang upcoming movie, tinanong si Dingdong hinggil sa kanyang ex-girlfriend. Nang tanungin kung ano ang reaksyon niya sa mas sexy figure ngayon ni Karylle, ang maiksing sagot ng aktor, “Mabuti para sa kanya.” Nang sundutin ito ng tanong kung nagkita ba sila, ang kanyang paiwas na tugon, Andun siya.”

Isa pang reporter ang nagtanong kung nagkabatian ba sila sa nasabing show. Ang sagot ni Dingdong, “Hindi, hindi kami nagkabatian. Pero anyone in the industry as long as magiging successful, eh masaya ako para sa kanila. Kumbaga kahit paano maliit lang ang industriyang ito.”

Meantime, mukhang kinakarir na rin ni Dingdong ang pagpoprodyus ng mga pelikula at isa siya ngayon sa mga producers ng sci-fi movie niyang Tiktik: The Aswang Chronicles. “Dati pa naman gusto ko na talagang pumasok sa pagpo-produce and I was just waiting for the proper opportunity and eto ‘yon,” pagbabahagi ni Dingdong.

Hindi naman ito ang unang pelikula na isa sa mga producer si Dingdong pero tanong ng iba, hindi kaya maisantabi na ang kanyang pag-arte ngayong producer na siya?

“Hindi. Mas naintindihan ko, mas minahal ko ang trabaho ko dahil dito kasi hindi siya madali. Almost all my life in this career, may producer ako. Kumbaga ginagawa ko ‘yung trabaho na pinapagawa nila sa akin, so nakikita ko kung gaano kakumplikado, kung ano ang pinagdadaanan nila dahil sa na-experience ko na siya. Mas mamahalin ko na ang ginagawa ko bilang aktor, ‘di ko na babalewalain,” sambit niya.