Zac Efron visits Manila

The Hollywood actor says his family has a lot of Filipino friends.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

9/27/2012 10:50 AM
Zac Efron visits Manila


092712-zac_main.jpgNasa bansa na ngayon ang Hollywood hunk actor na si Zac Efron. 

Dumating sa bansa si Zac nitong Miyerkules ng hapon lulan ang isang private plane na lumapag sa probinsiya ng Bicol. 

Sa report ng ABS-CBN News, excited ang Hollywood star sa pagbisita sa bansa lalo't may mga kilala siyang Filipino. Maliban sa mga kaibigang Pinoy ay may lahing Pinoy din ang dating kasintahan ni Zac na si Vanessa Hudgens.

"Some of our close family friends are from the Philippines so I grew up going to their house eating chicken adobo and then of course Vanessa is Filipino, so I learned a lot from her," ani Zac.

Plano ni Zac na matikman ang ilan sa mga pagkaing Pinoy kabilang na ang "balut." 

Si Zac na nakilala sa pelikulang "High School Musical"  at "The Lucky One" ay isa sa pinakabagong endorser ng isang clothing brand sa bansa.