Kumpleto ang cast ng Toda Max na sina Robin Padilla, Vhong Navarro, Pokwang at Angel Locsin na tumanggap ng kanilang award. “Masayang-masaya kaming lahat kasi sa kabila na kami ay napapagod sa aming pagta-taping nakakapagbigay kami ng saya at siyempre proud kami mago-one year pa lang kami ang Toda Max may blessings na kaagad. Thank you thank you,” sabi ni Pokie sa panayam ng PUSH.com.ph.
Dagdag pa ni Angel, “Medyo nakakahiya pala pag hindi tayo nanalo kasi kumpletong-kumpleto talaga as in ready-ready talaga so papaano pag hindi kami natawag buti naman po, sa awa ng Diyos.” Hirit din ni Vhong sa kanilang full-force na pagdalo sa okasyon, “Sabi nga ni Idol (Robin Padilla) nandito kami para may tagapalakpak pag nanalo ang ABS, may taga-cheer pag natawag ang ABS-CBN.”
Pinaka-proud naman si Robin sa award ng kanilang show. “Kakaiba siyempre kasi ang Toda Max nabuo yan dahil sa moral values at marami ang kumokontra sa amin at nagsasabing naku hindi tatagal yan kung puro moral values pero dahil dun kami ay napansin pa sa isa sa pinakamatindi na awards.”
Sa pagkakapanalo din ng programang Budoy ni Gerald Anderson, ‘di maikukubli ang galak ng binata sa iginawad na pagkilala, “Lahat ng hardwork na binuhos naming, from the people behind the camera, sa management, nag-pay off lang lahat ng pinaghirapan namin.”
Nagbahagi din ang aktor ng kanyang saloobin sa isa nanamang pagkilala sa Budoy “Alam mo pag nanalo ka ng award kahit sino man ang nagbigay sa iyo ng award its an honor talaga and sobrang overwhelming na nakakatouch na yung Catholic Mass Media Awards napansin din nila yung Budoy and it makes us very proud.”
At sa paggawad ng iba’t ibang parangal sa kanyang mga proyekto, mas magiging maingat at mapili na ba si Gerald sa kanyang mga gagawin sa susunod, “Mas naiinspire ako lalo kasi pag nagbuhos kayo ng hardwork nagpa-pay off talaga.”